DPWH, DOH hinimok na simulan na ang paghahanda para sa quarantine facilities sa mga rehiyon
- Published on July 3, 2020
- by @peoplesbalita
Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang DPWH at DOH na ihanda ang mga plano para sa pagtayo ng quarantine facilities sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Nagpahayag ng kanyang suporta si Rodriguez sa panukalang inihain ni Deputy Speaker LRay Villafuerte para sa establishment ng quarantine facilities sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, sa pagsasabi na mahalaga ito sa panahon ngayon gayong problema pa rin ang COVID-19 pandemic.
Karamihan kasi aniya sa mga isolation at treatment facilities sa bansa ay pawang makikita sa Metro Manila.
“Since there is now an increase in COVID-19 cases in the provinces, we need these regional quarantine facilities to serve our people in the countryside,” ani Rodriguez.
“In Region 10, which includes Cagayan de Oro City, there is a marked increase of Covid-19 patients. Region 10 has no dedicated quarantine building with complete equipment and the required number of trained medical personnel for these kinds of pandemic,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Rodriguez na dapat handa na sa ngayon ang DPWH sa planong pagtayo ng mga pasilidad na ito, habang ang DOH naman ay dapat na magsimula nang mag-train ng kanilang mga kawani na mamando sa mga establisimyento na ito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pukpukan na sa UAAP 2nd round
PAPASOK na ang UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa krusyal na second round. Kaya naman inaasahang mas magiging matinding bakbakan ang masisilayan dahil unahan na ang lahat ng teams para makapasok sa Final Four. Magsisimula ang second round bukas tampok ang salpukan ng reigning champion Ateneo at La Salle sa […]
-
Matandang dalaga kulong sa P340K shabu sa Caloocan
ISANG 39-anyos na dalaga na itinuturing bilang isang high value individual (HVI) ang dumayo pa umano para magbenta ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang […]
-
Punong Barangay at Treasurer ng Kaligayahan QC sinampahan ng reklamo sa Ombudsman
SINAMPAHAN ng reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Falsification of Public Document sa tanggapan ng Ombudsman sina Punong Barangay Alfredo ‘Freddy’ Roxas, kabilang ang isang Kagawad nasi Arnel Gabito at Barangay Treasurer Hesiree Santiago ng Barangay Kaligayahan sa Quezon City. Ayon sa nagsampa ng reklamo na si Arjean Abe, nagtrabaho […]