Malabon, ginawaran ng Gawad Kalasag Seal
- Published on December 14, 2024
- by @peoplesbalita
NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng Gawad Kalasaf Seal of Excellence mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Personal na tinanggap ni Mayor Jeannie Sandoval ang award, kasama si Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office Officer-in-Charge Roderick Tongol sa ginanap na 24th Gawad KALASAG National Awarding Ceremony na ginanap sa Manila Prince Hotel, sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Mayor Jeannie, ito ay para sa mga inisyatiba ng pamahalaang lungsod para sa kaligtasan ng mga Malabueño tuwing may kalamidad.
Dagdad niya, nakamit ng pamahalaang lungsod ang “Beyond Compliant” na siyang nagpapatunay ng dedikasyon nito sa pagpapabuti ng mga operasyon, plano, at programa, para sa katatagan at kaayusan sa panahon ng bagyo at iba pang sakuna.
“Congratulations, Malabon! Makakaasa po kayo na magpagiigihan pa natin ang pagpapatupad ng mga programa para sa mahal nating Malabueño,” pagbati niya. (Richard Mesa)
-
Ads February 13, 2020
-
Ryan Reynolds’ Wade Wilson Meets His Own Variants in New ‘Deadpool & Wolverine’ Trailer
ONLY a few days away from Marvel Studios’ only movie of 2024, promotion has officially entered its final stage. The official Marvel X account unveiled a new trailer for Deadpool & Wolverine which is composed of almost entirely new footage, and also reveals new looks at two characters confirmed to appear in the film. […]
-
Filipinas football team napanatili sa rank 53 sa FIFA
NAPANATILI ng Philippine Women’s football team na Filipinas ang kanilang world ranking. Sa inilabas na world ranking ng FIFA ay nasa pang-53rd place pa rin sila. Walang paggalaw ang nasabing ranking kahit na mayroong improvement na 1,479.91 points matapos ang tagumpay nila sa Asean Football Federation (AFF) Women’s Championship. […]