• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kai Sotto maraming bubutataan sa NBA

Lalong dumami ang humanga sa higanteng si Kai Sotto sa ipinakita nitong mataas na vertical leap na 11.5” o lundag na halos 12 feet.

 

Lalong pinataas ng 18-year-old Sotto ang kanyang kalidad bilang manlalaro  matapos ibalandra sa social media ang ipinagmamalaking mataas na lundag.

 

Sa video na ipinost nito sa Instagram, makikitang bumwelo si Sotto bago lumundag ng may taas na 11′ 11.5″ o kalahating pulgada na mababa sa nakamamanghang 12 feet.

 

Ibig sabihin nito, kaya ni Sotto na butataan ang bola sa taas na 12 feet kung kinakailangan sakaling makabwelo.

 

Bukod sa ipinagmamalaking height, ang mahabang biyas ni Sotto ay  napakaimportante sa pagdepensa ng kanyang pwesto. Ang NBA basket ay may taas na 10 feet.

 

Nakatakdang lumaro si Sotto sa bagong NBA G League squad sa susunod na season kasama si Filipino-American Jalen Green at iba pang prospects na naka-focus sa player development.

 

Ayon sa ulat, ang pagpirma ni Sotto sa G League ay patunay na handa na ito  sa NBA at nasa tamang landas para maging kauna-unahang full-blooded Filipino sa  NBA.

Other News
  • Estudyante sa Pinas, may ‘pinakamababang’ performance sa creative thinking

    NAHUHULI na ang mga estudyante ng Pilipinas pagdating sa ‘creative thinking’ kumpara sa mga estudyante sa ibang bansa.     Sa katunayan, makikita ito sa 2022 cycle ng Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan sinukat ang ‘creative thinking’ o “ability to generate, evaluate and improve ideas to produce original and effective solutions, advance […]

  • Patung-patong na kaso, ibinabala sa nagbebenta ng bakuna at vaccination slots

    Binalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na gobyerno, para bantayan ang kanilang mga tauhan sa isyu ng pagbebenta ng bakuna o maging ng vaccination slots.     Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, seryosong usapin dito, lalo’t hanggang ngayon ay hindi pa rin sapat ang dumarating na bakuna para […]

  • Pinay boxer Pasuit, swak sa last 8 ng Olympics q’fiers

    PASOK na sa last 8 sa Asiana-Oceania Boxing Qualification Tournament ng 2020 Olympics si Filipina boxer Riza Pasuit.   Ito ay matapos talunin ang Japanese boxer na si Saya Hamamoto ng women’s lightweight match Round-of-16 na gananap sa Amman, Jordan.   Sa simula pa lamang ay pinaulanan na ng suntok ni Pasuit ang Japanese boxer. […]