Suhestiyong extension ng MRT-LRT ops, huwag agad ibasura
- Published on December 14, 2024
- by @peoplesbalita
UMAPELA ang Akbayan Partylist sa Department of Transportation (DOTr) na pagisipan muli ang desisyon nitong ibasura ang suhestiyon na palawigin ang operating hours ng mga rail systems—LRT-1, LRT-2, at MRT-3.
Hinikayat pa ng partylist ang ahensiya na makipagdayalogo sa mga commuters at sagutin ang kanilang hinaing.
“Makinig at makisimpatiya naman ang DOTr sa ating mga commuters imbes na agarang magsara ng pinto sa panukalang i-extend ang MRT-LRT operations,” ani Akbayan Representative Perci Cendaña.
ayon sa mambabatas, araw araw ay kumakaharap sa paghihirap anfg mga commuters, lalo na yaong mga BPO workers at night-shift employees.
Ang pagpapatupad ng isa o dalawang oras na extension ay makakatulong ng malaki sa mga manggagawa lalo na sa pagbibigay ng ligtas, episyente at maasahang transportation options matapos ang mahabang oras ng trabaho.
Hinikayat pa nito ang DOTr na magpatawag ng isang comprehensive dialogue sa mga stakeholders upang talakayin ang posibleng options sa extension ng operating hours aat iba pang reporma.
“Sana bago ishoot down ang proposal kausapin muna ang lahat ng stakeholders para mapagusapan anong mga possible options sa pagextend ng MRT-LRT operating hours. Halimbawa, pwede namang iextend pa rin ang operations pero tuwing MWF lang or kung anong days of the week mataas ang ridership. Maraming options. Kung gusto may paraan. Kung ayaw may dahilan,” dagdag nito. (Vina de Guzman)
-
3 drug suspects, timbog sa P100K droga sa Malabon
MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Sa kanyang report sa bagong OIC ng Northern Police District (NPD) na si Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan […]
-
Nakatutuwa ang mga description ni Yasmien: ALDEN, magulo na makulit at sobrang madaldal naman na si BEA
NAKATUTUWA ang mga description ni Yasmien Kurdi kina Alden Richards at Bea Alonzo na mga katrabaho niya sa ‘Start-Up PH.’ “Magulo, hindi niyo alam na magulo siya sa set,” unang sinabi ni Yasmien tungkol kay Alden. “Makulit. Kung ano yung pino-portray niya… nagulat ako na hindi pala siya ganun. “Makulit si Alden. […]
-
PBBM, target palakasin ang food security at fishery sector ng bansa
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sectoral meeting kasama ang Department of Agriculture – Philippines at National Irrigation Administration upang talakayin ang suplay ng bigas sa bansa ngayong taon. Ibinahagi ng DA ang mga hakbang na gagawin ng pamahalaan para sa sapat na suplay ng mga produkto tulad ng bigas, mais, […]