Mapayapang BARMM polls, susi sa Mindanao Peace Process- PBBM
- Published on December 14, 2024
- by @peoplesbalita
BINIGYANG -DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan para sa mapayapang pagdaraos ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa susunod na taon.
Sinabi ni Pangulong Marcos, ang electoral process ang susi para sa kapayapaan sa Mindanao.
Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang naging pagdalo sa 2nd Joint National Peace and Order Council (NPOC)-Regional Peace and Order Councils (RPOCs) meeting for 2024 sa Camp Crame sa Quezon City, araw ng Huwebes.
Sa naturang pulong, muling inulit ni Pangulong Marcos ang pangangailangan sa pagsunod sa non-escalatory approaches sa West Philippine Sea (WPS).
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi magpapadala ang Pilipinas ng Navy warships sa WPS sa kabila ng kamakailan lamang na pang ha-harass ng Tsina.
Binigyang diin din nito ang hakbang ng bansa na ituloy ang resupply mission at protektahan ang territorial rights nito.
Sinabi pa rin niya na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagtataguyod sa mapayapang resolusyon sa regional issue.
Samantala, muling inorganisa ng Executive Order (EO) No. 773, s. 2009 ang NPOC para pangasiwaan ang ‘integrated peace and order efforts’ ng pamahalaan at magbigay ng forum para sa isang interdisciplinary dialogue para tugunan ang mga isyu na nakaaapekto sa kapayapaan at kaayusan.
Ang RPOC, sa kabilang dako, inorganisa sa pamamagitan ng EO No. 773 para irekumenda ang mga hakbang para paghusayin o ayusin ang peace and order at public safety initiatives at i-orchestrate ang internal security efforts ng ‘civil authorities, military, at kapulisan.‘ ( Daris Jose)
-
Women’s softball team kauna-unahang koponan na nasa Japan
Nauna ang women’s softball team ng Australia na mga international athletes na dumating sa Japan para sa Olympics. Dadalo muna sa training camp sa Ota City ang koponan bago lumipat sa Athletes’ Village sa Tokyo sa Hulyo 17. Lahat aniya ng mga miyembro nito ay naturukan na ng COVID-19 vaccine at […]
-
Submarine cable, solusyon sa problema sa kuryente sa Mindoro
ANG KONEKSYON ng Mindoro provinces sa grid sa pamamagitan ng submarine cable ang nakikitang “long-term solution” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang electricity supply concerns. Pinag-usapan kasi ni Pangulong Marcos sa San Jose, Occidental Mindoro ang “fastest at best solution” sa problema sa suplay ng kuryente sa Mindoro island provinces. […]
-
PBBM, pinangunahan ang oath-taking ng kanyang cabinet members sa Malakanyang
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang oath-taking ng kanyang mga reappointed Cabinet members, araw ng Martes, Oktubre 4, sa Malakanyang. Una sa listahan si newly-appointed Executive Secretary Lucas Purugganan Bersamin, 72, tubong- Bangued, Abra. Pinalitan ni Bersamin si Atty. Victor Dayrit Rodriguez, bumaba sa puwesto noong nakaraang linggo. […]