PROYEKTO NG DOLE, OKEY SA COMELEC KAHIT MAY ELECTION BAN
- Published on December 17, 2024
- by @peoplesbalita
APRUBADO ng Commission on Elections (Comelec) ang hirit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawin ang kanilang proyekto sa gitna ng Election Ban dahil sa 2025 mid-term at BARMM elections.
Salig sa Omnibus Election Code, ang paglalabas, pagpapakalat, at paggastos ng public funds para sa social services at mga proyektong may kinalaman sa pabahay ay hindi pinapayagan .
Sinabi ng Comelec sa naunang rekomendasyon ng law department nito na hindi makakaimpluwensiya sa botohan ang tukoy na 9 na proyekto.
Wala rin umanong magaganap na pamamahagi ng AICS o Assistance to Individual in Crisis Situation mula May 02 Hanggang May 12 maliban sa mga normal na ibinibigay sa mga kuwalipikadong individual.
Kasama sa mga inaprubahan ni COMELEC Chair George Erwin Garcia ang Special Program for Employment of Students, Government Internship Program, JobStart Philippines Program, Child Labor Prevention and Elimination Program at ang DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program kahit pa may election ban .(Gene Adsuara)
-
Bilang ng MC taxi, ‘di nadagdagan may 3 taon na – LTFRB
NILIWANAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na nadagdagan pa ang bilang ng motorcycle taxi (MC taxi) sa Metro Manila may tatlong taon nang nakararaan. Ito ang reaksyon ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz sa ulat na hindi na makontrol ang pagdami ng bilang ng MC taxis sa NCR. […]
-
PDu30, inatasan ang DILG na maging bahagi ng supervisory team sa point to point delivery ng maselang bakuna gaya ng Pfizer
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat maging kabahagi ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa ninanais ng Pfizer na direct vaccine delivery ng kanilang mga bakuna. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., gusto ng Pfizer ay huwag nang magkaroon ng double handling at sa halip ay idiretso na agad […]
-
Political amendment proposals, huwag pansinin
Hinikayat ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na huwag pansinin ang political amendment proposals ni presidential adviser at ex-senatorial candidate Larry Gadon. “I urge Speaker Romualdez to completely disregard Gadon’s letter (proposing political amendments),” ani Rodriguez, chairman ng House committee on constitutional amendments. Naniniwala ito na ibabasura din lamang […]