1,322 tumanggap ng P500 milyong OVP confidential funds walang birth records
- Published on December 17, 2024
- by @peoplesbalita
TULAD ni “Mary Grace Piattos”, wala umanong birth records sa database ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 1,322 tumanggap ng P500 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa, ito ang naging resulta ng ginawang paghahanap ng PSA bilang tugon sa kahilingan ni House Committee on Good Government chairperson Rep. Joel Chua na beripikahin ang 1,992 pangalan na nakalista sa confidential funds ng OVP.
Sa 1,992 pangalan, 1,456 ang walang marriage records at 536 may posibleng match, 1,593 walang death records, 399 ang posibleng tumugma at 670 ang “most likely matched”.
Ang mga pangalan ay batay sa mga acknowledgment receipts (AR) na isinumite ng OVP sa Commission on Audit (COA) upang bigyang katwiran ang paggastos nito ng confidential funds mula Disyembre 2022 hanggang 2023.
Dahil dito, ayon kay Chua ay higit na tumindi ang duda na gawa-gawa lamang ng OVP ang nasabing mga pangalan tulad ng kontrobersyal na “Mary Grace Piattos”.
“These findings raise a critical question: if the recipients don’t exist, where did the money go? This is not just a clerical error; this points to a deliberate effort to misuse public funds,” dagdag pa nito.
Una nang hinanap ng PSA ang 677 pangalan na tumanggap ng P112.5 milyong confidential fund ng DepEd. Sa naturang bilang 405 ang walang birth record, 445 walang marriage certificates, at 508 walang death certificate.
Nakuha ang atensiyon ng mga mambabatas kay “Mary Grace Piattos” dahil katunog nito ang pangalan ng isang restaurant at brand ng potato chips. Wala itong rekord sa PSA.
Ang pangalan namang “Kokoy Villamin” ay lumabas sa AR ng OVP at DepEd pero magkaiba ang pirma nito. Gaya ni Piattos, walang rekord sa PSA si Villamin. (Daris Jose)
-
PBBM, binawi na ang state of national emergency on account of lawless violence sa Mindanao
BINAWI na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 55, na nagdedeklara ng state of national emergency on account of lawless violence sa Mindanao. Ito’y matapos na maging maayos at naging mabuti ang peace and order situation doon. Nakasaad sa Proklamasyon Bilang 298 na tinintahan ni Executive Secretary Lucas […]
-
Lakas-CMD dumarami ang miyembro sa House – Romualdez
IPINAGMALAKI ni Speaker Martin Romualdez na mahigit sa one-third ng 310 na mambabatas ng House of Representatives ay miyembro na ng ruling party na LAKAS-CMD. Ayon kay Romualdez na mayroon ng 109 na Lakas-CMD members ngayon sa House. Pinakahuling sumali ay sina Zamboang del Sur Rep. Victoria Yu, dating Nacionalista Party […]
-
Ads March 14, 2023