• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARAL Law, mapahuhusay ang PISA performance ng mga estudyanteng Pinoy-Angara

KUMPIYANSA si Education Secretary Sonny Angara na mapahuhusay ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law ang performance ng mga estudyanteng pinoy sa international assessments, gaya ng Program for International Student Assessment (PISA), sa ‘long term.’

 

 

Gayunman, Inamin ni Angara na ang agarang resulta ay hindi kaagad makikita sa panahon ng susunod na PISA, nakatakda sa Marso 2025.

 

 

“Pero definitely, sa pangmatagalan makakatulong siya dahil gaganda ang abilidad ng ating mga estudyante, especially ‘yung sinasabi na critical thinking… malalim mag-isip at iniisip ang kabuuanan,” ang sinabi ng Kalihim.

 

 

Ang ARAL Law, tinintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre 2024, ay dinisenyo para tugunan ang ‘pandemic-induced learning gaps.’

 

 

Ang batas, tinukoy bilang legislative priority ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), nagtatag ng national learning intervention program para sa nahihirapang mag-aaral na ma-meet ang grade-level standards.

 

 

Base sa 2022 PISA results, ang Pilipinas ay nasa pang-anim na rank mula sa kulelat kabilang ang 81 nagpartisipang bansa at ekonomiya, sumasalamin sa ‘poor performance’ sa matematika, agham at pagbabasa.

Dahil dito, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Department of Education (DepEd) na iprayoridad ang improvements sa PISA scores ng Pilipinas. Layon ng ARAL Law na maging pangunahing hakbang tungo sa makamit ang nilalayon nito.

Ang implementing rules and regulations (IRR) ng ARAL Law ay nilagdaan, Lunes ng tanghali.

 

 

Samantala, binigyang diin naman ni Angara ang pokus ng batas para gawing mahusay ang mahalagang ‘thinking at foundational skills’ na sa kalaunan ay magpapataas sa performance ng mga Filipinong mag-aaral sa international assessments. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30 kumbinsido, byahe ng mga suki ng LRT magiging mabilis na

    KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magiging mabilis na ang biyahe ng mga mananakay na suki ng Light Railwyay Transit (LRT).   Ito’y matapos na pangunahan ni Pangulong Duterte ang inagurasyon ng Light Railwyay Transit Line 2 East Extension Project, itinuturing na isa sa hallmarks ng “strong commitment” ng pamahalaan na magbigay ng mas […]

  • Que lumagay sa pang-63, ginantimpalaan ng P26K

    TINAPOS ni Angelo Que ang labanan sa 75 pa-3-over par 219 humanay sa tatlong Japanese sa pang-63 posisyon sa pagrokyo ng 38th Japan Challenge Tour 2022 opening leg ¥15M (P6.2M) Novil Cup sa J Classic Golf Club sa Tokushima nito  lang Abril 6-8.     Napremyuhan ang Pinoy bet na may 73 at 71 pa […]

  • POC sinuspendi ang PATAFA dahil ginawang panggigipit kay EJ Obiena

    Sinuspendi ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) dahil sa ginawang panggigipit kay Pinoy pole vaulter EJ Obiena.       Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na nabigo ang PATAFA na gampanan ang kanilang trabaho bilang National Sports Association (NSA).       Nakasaad aniya sa konstitusyon […]