• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Filipinas bumaba ang FIFA ranking

BUMABA ang rankings ng Philippine women’s national football team.

 

 

Sa pinakahuling edisyon ng FIFA Women’s World Rankings ay nasa pang 41 na sila ngayon.

 

 

Noong nakaraang rankings ay nasa pang-39 ang world rankings ng FILIPINAS.

 

Isa sa mga naging malaking sanhi ng nasabing pagbaba nila ng rankings ay ang magkahalong resulta ng FIFA window noong nakaraang Oktubre.

 

Tinalo nila ang Jordan 3-0 subalit nabigo sila sa mas mababang ranking sa kanila na Kenya sa score na 4-1.

 

Ang pagkatalo sa Kenya ay isang malaking kagulatan kung saan pang-39 noon ang ranking ng FILIPINAS habang ang Kenya ay nasa pang-151.

 

 

Dahil din dito ay umangat rin ang ranking ng Kenya na nasa pang-149 na ngayon.

 

 

Ang Filipinas din ay siyang pang-pitong ranked team sa Asya kung saan ang pang walo ang Japan, Pang-siyam ang Korea-DPR, Australia pang-15, pang-17 ang China, pang-20 ang South Kora at pang-37 ang Vietnam.

 

 

Nananatiling nasa unang puwesto ang Olympic champion na USA na sinundan ng Spain habang ang Germany ay nasa pangatlong puwesto.

Other News
  • BINIGYAN ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ng Commendation at P10,000 cash na tulong si Ronaldo David

    BINIGYAN ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ng Commendation at P10,000 cash na tulong si Ronaldo David, miyembro ng Valenzuela Traffic Management Office (TMO) dahil sa kanyang ipinakitang katapangan sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang traffic enforcer. Si David ay sinaktan, pinagbantaan at tinutukan umano ng baril ng dalawang tauhan ng Delpan Police Station 12 […]

  • PROYEKTO NG DOLE, OKEY SA COMELEC KAHIT MAY ELECTION BAN

    APRUBADO ng Commission on Elections (Comelec) ang hirit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawin ang kanilang proyekto sa gitna ng Election Ban dahil sa 2025 mid-term at BARMM elections.     Salig sa Omnibus Election Code, ang paglalabas, pagpapakalat, at paggastos ng public funds para sa social services at mga proyektong may […]

  • OPM Icon na si Claire, pumanaw na dahil sa cardiac arrest

    NAGLULUKSA ang mga OPM artist sa pagpanaw ng kinilalang “The Karen Carpenter of the Philippines” na si Claire dela Fuente.     Cardiac arrest ang dahilan ng pamamaalam ni Claire nitong March 30 sa edad na 62.     Isa sa maituturing na OPM icon si Claire dahil sa mga sumikat niyang mga awitin noong […]