Mayor, konsehal na akusado sa rape, dinampot ng NPD
- Published on December 20, 2024
- by @peoplesbalita
BINITBIT ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang alkalde, konsehal, at kawani ng isang bayan sa Bulacan na pawang akusado sa panggagahasa mahigit limang taon na ang nakakalipas sa Caloocan City.
Sa ulat ni NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Anthony Aberin, ala-1 ng hapon Martes ng hapon nang matunton nina P/Lt.Col. Alain Licdan ang mga akusadong sina alyas Mayor “Rico”, 51, alyas Councilor “Jonjon”, 48, at kawani na si alyas “Roel” 52, sa Amana Waterpark sa Pandi, Bulacan.
Ayon kay Col. Ligan, isinilbi ng mga tauhan District Special Operation Unit (DSOU-NPD), sa tulong ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Northern District Forensic Unit (CIDG-NDFU), ang warrant of arrest na inilabas ni Calooran Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Rowena Violaga Alajandria ng Branch 121 para sa dalawang bilang na kasong rape sa ilalim ng Artile 266 ng Revised Penal Code na walang inirekomendang piyansa.
Binasahan din ng kanilang karapatan ang tatlo, kaharap ang kanilang abogadong si Atty. Doctor, bago sila dinala sa headquarters ng NPD sa Caloocan upang pansamantalang iditine sa kanilang custodial facility habang hinihintay ang paglalabas ng commitment order ng korte.
Batay sa rekord, inakusahan ng biktima ang tatlo ng panghahalay na naganap umano sa Lungsod ng Caloocan noong Abril 6, 2019.
Mariin namang itinanggi ng mga akusado ang akusasyon at naghain kaagad ang kanilang abogado ng mosyon na nagpawalang bisa sa warrant of arrest at iginiit na gawa-gawa lamang umano ang akusasyon na may bahid pulitika.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang pagtutulungan at dedikasyon ng mga operatiba.
“This operation demonstrates the commitment of the Northern Police District to uphold justice, regardless of who is involved. We will continue to pursue our mandate to ensure the safety of our communities and hold accountable those who violate the law. Let this serve as a strong message that justice will be served and the rule of law will always prevail,” pahayag niya. (Richard Mesa)
-
Nagpadala ng mensahe sa mga nalungkot na Vilmanians: VILMA, tanggap at nagbigay-pugay sa bagong National Artists na kasama si NORA
NAG-GUEST kahapon (June 12) sa All-Out Sundays ang bumubuo sa cast ng Running Man PH, ang adaptation ng South Korean gameshow, na gagawin ng GMA Network. Excited na sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Buboy Villar, at Mikael Daez. Hindi biro kasi na mapili at makabilang […]
-
Fighting Maroons, haharabas sa abroad
SA hangaring mas mapalakas at mapataas ang antas ng pagiging kompetitibo, nakatakdang magsanay sa abroad ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons – may anim na buwan ang nalalabi – bago ang opening ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83 sa Setyembre. Sa pakikipagtulungan ng UPMBT supporter JJ Atencio ng […]
-
Pamilya ng mga drug war victims: Duterte dapat managot
NAGTIPON ang pamilya ng mga biktima ng madugong “drug war” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo upang gunitain ang ika-walong anibersaryo nang pag ala-ala sa kanilang mga namatay na kamag-anak. Ginawa ang pagtitipon sa Siena College Chapel kung saan nanawagan sila na dapat managot si Duterte ang iba pang sangkot sa pagkamatay […]