Pamalit sa Campus Journalism Act of 1991, inihain sa Kamara
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
PANAHON na para sa bagong batas na magtataguyod sa press freedom ng mga estudyante sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Sa House Bill 7780 o Student Journalists’ Rights Act of 2020 na inihain ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, layon nitong itakda ang hindi kinayang gawin ng Campus Journalism Act of 1991 or Republic Act 7079.
“Maraming butas ang R.A. 7079. Puro generic ang mga probisyon at hindi klaro kung paano mapipigilan ang pagsupil sa mga karapatan ng student journalists. Layon ng House Bill 7780 na gawing diretsahang tugunan ang mga pagkukulang ng R.A. 7079,” ani Fortun.
Halimbawa aniya ay ang funding source ng student publications sa public schools. Sa maintenance and operating expenses budget dapat ng paaralan pondohan ang student publications, hindi mula sa savings.
“Sa ganitong paraan, siguradong may pondong mapagkukunan ang student journalists at kanilang advisers,” dagdag ng mambabatas.
Nakapaloob sa House Bill 7780 na 30 araw mula sa simula ng klase, nalipat na dapat ang pondo para sa student publication sa editors ng pahayagan. Tatlumpung araw din ang taning para mabuo ang editorial board.
Inasinta rin ng panukala ang komposisyon ng editorial board ng student publications, limitadong papel ng faculty adviser, at mga bawal gawin dahil sa censorship. Nakalista ang mga prohibited acts.
Ipinagbabawal sa panukala ang “prior review” at “prior restraint” ng mga opisyal o guro ng paaralan at dahil diyan hindi kailangan ang clearance o approval ng sinumang opisyal o guro ng eskuwelahan. Bawal din na hadlangan ang student journalists para hindi nila magamit ang mga pasilidad at kagamitan nila sa kanilang nakatakdang opisina sa kampus. Bawal hadlangan ng paaralan ang distribusyon ng student publications mula sa labas ng paaralan.
Nakasaad pa na maaaring dumulog sa Department of Education, Commission on Higher Education, or sa korte para sa mga reklamo at kaso tungkol sa campus journalism. (Ara Romero)
-
‘The Batman’ Impressive Opening Weekend Box Office, DC’s Biggest Since 2016 ‘Suicide Squad’
THE Batman reported an impressive opening weekend box office for Warner Bros, DC’s biggest movie since 2016’s Suicide Squad. The Batman is a new reboot of the Dark Knight saga that promises a fresh take of his adventures in Gotham City, focused more on Batman’s detective skills and exploring his reputation as “the world’s best detective”. […]
-
Sara Duterte, susunod na DepEd chief – Marcos Jr.
PUMAYAG si Vice Presidential frontrunner Sara Duterte na pamunuan ang Department of Education (DepEd). “I think I am already authorized to announce the first nominee that we will be giving to the Commission on Appointments when the time comes, should I be proclaimed. That is that our incoming vice president has agreed to […]
-
WILLIE, kinukumbinsi pa rin ni President DUTERTE na tumakbong Senador
KINUKUMBINSI pa rin ni President Rodrigo Duterte na tumakbo si Willie Revillame sa darating na national elections. Patuloy ang panliligaw ng Pangulo kay Kuya Wil na tumakbong Senador para mas marami pa siyang matulungang Filipino. Naniniwala kasi si Pangulong Duterte sa kakayahan ng tv host na makapagserbisyo sa buong bansa dahil […]