• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangalanan ang bagong PH ambassador to Hungary, iba pang mga bagong gov’t appointees

PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Elena Algabre bilang pinakabagong Philippine ambassador to Hungary na may concurrent jurisdiction sa Bosnia at Herzegovina, Montenegro, at Serbia.
Sa katunayan, inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga pangalan ng mga bagong appointees noong Disyembre 31, 2024.
Kabilang din sa mga bagong DFA appointees ay sina Marie Charlotte Tang bilang non-resident ambassador to Ethiopia at ambassador Kenya na may concurrent jurisdiction sa Congo, Malaw, Seychelles, Somalia, South Sudan, Tanzania, Uganda, Rwanda, Burundi, at Comoros.
Mainit na tinanggap naman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) si Cynthia Paulino bilang miyembro ng Board of Directors na tatayong kinatawan ng Olongapo City.
Pinangalanan naman ng Pangulo sina Eduardo Robles Jr. at Henry Yap bilang mga undersecretary ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Itinalaga naman ni Pangulong Marcos ang ilang indibidwal sa National Prosecution Service ng Department of Justice (DOJ) sa iba’t ibang kapasidad.
Samantala, itinalaga ng Pangulo si Rene Diaz bilang assistant secretary ng Department of National Defense (DND), habang nagpadala rin ng mga bagong appointees sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Interior and Local Government (DILG), the Department of Trade and Industry (DTI), at the Department of Transportation (DOTr).
Si Martin Marvin Diño ay Presidential Legislative Liaison Officer II ng Office of the President (OP) ngayon.
Mainit na tinanggap naman ng United Coconut Planters Life Assurance Corporation ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) ang tatlong bagong miyembro ng Board of Directors nito. (Daris Jose)
Other News
  • US, Japan popondohan ang Luzon corridor, O-RAN tech

    KAPWA nangako ang gobyerno at pribadong sektor ng Estados Unidos at Japan na maglalaan ng milyong dollar para pondohan ang mga proyekto sa Pilipinas sa imprastraktura at teknolohiya.     Inanunsyo ng senior administration official ng White House na ang PGI Luzon corridor, magkokonekta sa Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas ay naglalayong palakasin ang […]

  • Pangulong Maros pinalawig ng 15 taon ang Malampaya gas field contract

    NILAGDAAN  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Renewal Agreement para sa Malampaya Service Contract No. 38 (SC 38).     Ginawa ang ceremonial signing kahapon sa Malakanyang.     Nakasaad sa kontrata ang panibagong 15 taon o hanggang 2039 sa patuloy na produksyon ng Malampaya para sa kuryente sa bansa.     Nabatid na […]

  • Ads June 29, 2024