‘Di rin sila nakaligtas sa ‘7-year itch’: BARBIE, kinumpirma na totoong hiwalay na sila ni JAK
- Published on January 4, 2025
- by Peoples Balita
KINUMPIRMA na nga ni Barbie Forteza sa kanyang post kagabi, ika-2 ng Enero na totoong naghiwalay na sila ng boyfriend for seven years na si Jak Roberto.
Sinimulan niya ang IG post ng isang quote kasama ang ilan larawan nila ni Jak…
“Don’t cry because it’s over. Smile because it happened – Dr. Seuss.”
“Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.
“Your love was exceptional. But sometimes, good things fall apart so better things can come together. Beautiful goodbye, @jakroberto,” sey pa ni Barbie.
Pagpapatuloy pa niya, “Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.
“I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest.”
Hindi naman maiiwasan na madamay si David Licauco sa paghihiwalay ng JakBie.
Patok na patok ang loveteam ng BarDa, na huling napanood sa drama series ng GMA Network na “Pulang Araw” kasama sina Alden Richards, Sanya Lopez at Dennis Trillo.
Iba’t-iba ang naging reaksyon ng netizens sa naturang break-up ng Kapuso couple, na itinaon talaga sa pagsisimula ng 2025…
“New Year na new year – break-up kaagad ang news? Hindi maganda premonitions to sa boung taon.”
“Wish both of them healing.”
“Ang haba ng pinagsamahan pero nauwi rin sa hiwalayan, sana maayos pa, magkasama nilang sinaksihan ang tagumpay ng bawat isa… Sana pwede pang magkasundo..”
“Di ba matatag itong couple na ito? Ano kayang nangyari?
“So sad. I was rooting for them.”
Komento pa ng ilan, “Para sakin pag sinabing di magtatagal maybe mga 1 year lang eh sila 7 years so matagal tagal din. Marriages have lasted shorter than this.”
“May tinatawag kasing 7-year itch.”
“7 years tapos wala pang 30yrs old si Barbie so expected narin naman na hiwalayan ang ending nila. 7 year itch is real lalo na kung wala pa kayong balak mag settle down.”
“Barbie deserves much better.”
“Na-fall out of love cguro si Barbie. Expected na, laging kasama ung isa na mas gwapo, mas masipag, mas gumaling ng umarte, mas mayaman etc, etc. Ehh ung ex, walang projects, pangit umarte, mas may future dun sa isa nohhh.”
“Buti nga at hiwalay na sila. Di naman sila bagay at ala naman career ang lalaki – aasa lang kay Barbie. Barbie deserves someone a lot better.”
“I’ve seen it coming. They have that couple vibes that they’re not gonna be the end-game.
“Atleast they ended in good-terms. Unang showbiz hiwalayan ng taon.”
“Akala ko sila na ang end game. Sad naman.”
“Kaka-post lang nila last Dec ang sweet pa hiwalay agad? Salubong sa bagong taon eh. Sana prank lang to.”
Dagdag pa nila, “Ang awkward siguro makita yung ex sa isang station after 7 years kayong magkarelasyon. Baka matagal na din silang break mula pa nung may cheating issue kay Jak pero di lang pinublic kasi bad publicity para sa Pulang Araw o baka naman hindi cheating issue ni Jak un baka break na talaga sila nun ni Barbie kaya ganun na asta ni Jak.”
“Hiwalay na rin si david at gf nya non showbiz di lang public.”
“Yes, mas nauna sila maghiwalay mga 3Q last yr pa. Pero di kelangan i-announce. What for?”
“Not a fan of BarDa pero parang mas bagay sila Barbie and David. Opposites kasi personality nila.. pero when it comes goals/dreams, parang pareho sila. Si David alam ko may businesses sya.”
Opinion pa ng netizens…
“Magiging Bea Alonzo the 2nd yan si Barbie aabot pa ng mga 40s.”
“Bad omen isama bf/gf sa pinagagawang bahay kasi naghihiwalay sila, example si JLC at Ellen, Kathryn at Daniel, now Jak at Barbie.”
“Sila Dingdong and Marian lang talaga ang success stories sa lahat ng showbiz couples. Dami gustong gumaya at ginagawa silang peg pero di kinakaya. Hirap magka showbiz relationship.”
At sa paghihiwalay na ito nina Barbie at Jak, i-wish natin na later on ay makatagpo sila ng ka-partner na tunay na magpapaligaya sa kani-kanilang buhay.
(ROHN ROMULO)
-
PDU30 wala pang susuportahang kandidato sa pagka-presidente
INANUNSIYO ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang ieendorsong kandidato sa pagka-presidente sa ngayon. Ayon kay Duterte, halos lahat ng tumatakbong presidente ay naghahangad ng kanyang endorsement. Bagaman at lahat naman ng tumatakbo ay kuwalipikado, may mga kandidato aniya na iba ang ideolohiya. Hindi naman pinangalanan ni Duterte kung […]
-
Cong. Jaye Lacson-Noel naghain ng COC bilang Mayor ng Malabon
OPISYAL na naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si incumbent Congressman Jaye Lacson-Noel para sa pagtakbo niya bilang alkalde ng Lungsod ng Malabon sa darating na May 2025 election, Lunes ng hapon. Sinalubong siya ng malakas na hiyawan at sigawan mula sa kanyang daan-daang mga taga-suporta nang dumating sa ground floor ng […]
-
Senator Gordon binatikos ang LTO
BINATIKOS ni Senator Richard Gordon ang Land Transportation Office (LTO) dahil sa pagkabigo nitong ipatupad ang Republic Act 11235 o ang tinatawag na Motorcycle Crime Prevention Act na ginawang batas tatlong (3) taon na ang nakakalipas. “The first batch of license plates for motorcycles was distributed on Aug. 27, 2020. The LTO still […]