• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phil. Taekwondo Association pinayuhan mga members na pagtuunan pa rin ang pag-eensayo

Pinayuhan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kanilang mga national players na pagtuunan ng pansin ang pagsasanay kaysa makibahagi sa virtual training seminar.

 

Sinabi ni PTA secretary-general Rocky Samson, nakarating sa kaalaman ng kanilang local taekwondo grand master Sung Chon Hong na inuuna pa ng ilang mga taekwondo athletes ang pagtuturo online.

 

Ibinunyag pa ni Samson na nagsumite ng kanilang letter of apology at courtesy resignation sina Southeast Asian Games (SEA) gold medalist Samuel Morrison at silver medalist Arven Alcantara matapos na akusahan ng pagsasagawa ng online training session subalit hindi ito tinanggap ng kanilang grand master at pinatawad din ang mga ito.

 

Ang nasabing online seminar kasi ay pinangunahan ni Sydney Olympics veteran Donnie Geisler na ang layon ay para ma-inspire ang karamihan habang nasa loob ng kanilang mga bahay.

 

Kabilang kasi sina Morrison at Alcantara sa limang taekwondo players ng bansa na malaki ang tsansa na makalaro sa Tokyo Olympics kasama sina Pauline Lopez, Kurt Bryan Barbosa at 2016 Olympian Kirstie Alora.

Other News
  • Gilas Pilipinas tiniyak na ‘di padedehado sa Japan

    NAKATUON na ngayon ang atensiyon ng Gilas Pilpinas sa laban nila sa Japan sa knockout playoffs ng 2022 FIBA Asia Cup.     Bilang nasa Group D ang Gilas Pilipinas na mayroong isang panalo at dalawang talo ay makakaharap nila ang Japan na na nasa Group C na mayroong dalawang panalo at isang talo.   […]

  • Pinsala, pagkalugi sa agri dahil kay Paeng, pumalo na sa P2.74 bilyong piso

    UMABOT na sa P2.74 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil kay Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae).  Sinabi ng Department of Agriculture (DA), nakasaad sa data na ipinalabas ng  Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng departamento na P2.74 bilyong piso “as of 5 p.m.” araw ng Miyerkules, Nobyembre […]

  • Kasama ang girlfriend na si CHELSEA at pet dog nila: BENJAMIN, mabibisita na ang ina sa Guam at doon na rin magbi-birthday

    BAKASYON grande si Kapuso hunk Benjamin Alves bago sumapit ang kanyang birthday sa March 31.     Sa Guam niya i-celebrate ang kanyang birthday dahil two years niyang hindi nakita ang kanyang ina at nabisita ang puntod ng kanyang ama.     “Thank God that ‘Artikulo 247’ is airing and we’re getting good feedback from […]