• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20 barangay chairmen kinasuhan na dahil sa paglabag sa COVID protocols – DILG

Inaasahan na maraming mga barangay opisyal at mga namumuno sa iba’t-ibang mga siyudad at munisipalidad ang sasampahan ng reklamo Department of Interior and Local Government (DILG).

 

Kasunod ito sa pagrekomenda ni DILG Secretary Eduardo Año sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kaso ang nasa 20 barangay opisyal ng Metro Manila.

 

Sinabi ng kalihim na hindi nila palalagpasin ang mga reklamo laban sa mga opisyal ng barangay.

 

Kinabibilangan ang mga ito ng 20 punong barangays kung saan lima rito ay mula sa Caloocan City, lima sa Quezon City, dalawa sa Paranaque City, at tig-iisa sa Mandaluyong City, Las Pinas, Manila City, Makati, Pasay City, Taguig City, Marikina City at Muntinlupa City.

 

Mismong si DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang sumulat kay Ombudsman Samuel Martires.

 

Ilan sa mga kasong kinasasangkutan ng mga ito ay ang paglabag sa implementasyon ng physical distancing, pagsasagawa ng sabong, pagsusugal, mahinang implementasyon ng lockdown protocols at negligence of duty at iba pa.

 

Inilapit naman na nila sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group para sa pagsampa ng kaso sa mga anomalya na may kinalaman sa Social Amelioration Program. (Daris Jose)

Other News
  • Jeepney drivers nagbabala na hihinto ng operasyon

    NAGBIGAY ng babala ang mga jeepney drivers na sila ay hihinto sa kanilang operasyon ngayon linggo upang iprotesta ang tumataas na presyo ng krudo at iba pang produktong gasolina.       Ayon sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (Piston) na ang mga miyembre na kasama sa kanilang asosasyon ay umaangal […]

  • Onyok tiwalang makaka-gold ang boxing sa Paris Games

    Tiwala si Atlanta Olympics silver medalist Mansueto “Onyok” Velasco na mananalo ng gintong medalya ang boxing team sa 2024 Paris Olympics.     Nasaksihan ni Velasco ang matikas na ipinamalas ng boxing team sa katatapos na Tokyo Olympics kung saan humakot ang tropa ng dalawang pilak mula kina Nesthy Petecio at Carlo Paalam, at isang […]

  • P6B emergency loan, inilaan ng GSIS para sa maapektuhan ng bagyong Betty

    NAGLAAN  ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P6 billion na emergency loan ngayong taon para sa mga miyembro at pensioners nito na maapektuhan ng kalamidad.     Ang anunsiyong ito ng ahensiya ay kasabay na rin ng pagpasok ng bagyong Betty sa Philippine area of responsibility.     Ayon kay GSIS President at General […]