• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANGKAS at JEEPNEY DAPAT na rin ba PAYAGAN?

Dalawang mode of transportation ang pinag-aaralan kung dapat na nga ba payagan  pumasada sa GCQ at MGCQ.  At parehong pang masa ang mga nasabing transportasyon – ang motorcycle-taxi at ang jeepney.

 

Marami nang mambabatas at mga lokal na opisyal ang nagsasabi na payagan na ang mga ito pero ang mga transport at health officials ay duda pa at baka raw malagay lang sa panganib ang mga drivers at pasahero dahil nga walang “social or physical distancing” pag ito ang sasakyan ng pasahero.

 

Suriin natin – ang status ng motorcycle-taxi bago mag-lockdown ay tatlong app-based companies ang pinayagan sa ilalim ng isang test run. Nagkaroon ng pandemia at natigil ito. Marahil kailangan i-convene ang taskforce motorcycle-taxi upang mapagusapan na ulit ang mga isyu ukol dito.

 

Sari-saring diskarte na rin ang ginagawa para payagan ang motorsiklo na may angkas na pasahero. Isang paraan ay ang paglalagay ng plastic divider sa pagitan ng driver at backrider. Pero ayon sa mga experto safety hazard ito.

 

Sapat na raw ang helmet at mask. Pero magkadikit ang mga sakay ng motorsiklo kaya marahil kailangan malinaw ang rason kung bakit dapat may distansya at mask. Kapag ba magkaangkas ang driver at pasahero na naka-helmet at protective gear tulad ng PPE ay maaring magkahawaan?

 

Sa ibang bansa gaya ng Indonesia ay pinayagan na ulit ang motorcycle-taxis. At kung sakaling payagan dapat na rin bang payagan ang tricycle na magsakay ng backrider para dalawa na ang pasahero kada byahe?

 

Sa jeep naman, pinagiisipan pa ng LTFRB kung papayagan pumasada ang mga jeep. Higit sa 90 araw nang walang kita ang daang-libong drivers at operators at marami ay nagmamalimos na halos. Ang iba ay kukunin daw na maging contact tracer at delivery service provider – ang tanong sapat ba ang training nila bilang contact tracer at package delivery handlers?

 

Bakit ba ayaw pa rin ng LTFRB na payagan sila makabyahe? Mahirap daw kasi ang isyu ng social o physical distancing.  Pero duda tayo na ito talaga ang dahilan. Sa tingin namin ay sinasamantala ng ibang may “vested interest” ang COVID-19 situation para isulong ang matagal na nilang sinusulong at ito ang jeepney phase out na mas gusto tawagin ng DoTR na jeepney ‘modernization’.

 

Bakit ngayon? Dahil gulantang sa gutom ang transport sector at hindi makapalag? Hindi ba pwedeng pabawiin muna natin ang sektor ng jeepney upang makaahon-ahon man lang ang mga pamilyang dumedepende sa jeepney?

 

Noong wala pang pandemya ay hindi kaya ng mga ito ang milyun-milyong halaga ng “imported from China na jeep”, ngayon pa kaya? At bakit mukhang sa mga bagong ruta ng bus ay pinasok na rin ang mga maiikling byahe ng jeep?

 

Yung mga na dislocate na bus ay bibigyan ng “consuelo de bobo” na ruta at ilalagay sa mga ruta na kakumpetensya ng jeep?

 

Anong connection ng lahat ng ito sa paglaban sa COVID-19? Ano ang  ibang dahilan, ano ang totoong dahilan?  So mga readers balik tayo sa tanong dapat na bang payagan ang motorcycle-taxis at jeep na pumasada o hindi pa? (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • IATF, inilatag ang updated testing at quarantine protocols para sa “Green” at “Yellow” List

    INAPRUBAHAN at nagbigay ng updated report ang Inter-Agency Task Force (IATF), ukol sa testing at quarantine protocols para sa international arriving passengers na manggagaling mula sa “Green” at “Yellow” List of countries/ territories/jurisdictions epektibo ngayong araw. Oktubre 8, 2021.   Ang mga fully vaccinated individuals na manggagaling mula sa “Green” o “Yellow” List ay kailangan […]

  • Flexi work ‘bagong normal’ sa gobyerno – CSC

    IPATUTUPAD pa rin ang “flexible work arrangement” sa gobyerno at ituturing na “bagong normal” matapos makita ng Civil Service Commission (CSC) na epektibo ito kahit na matapos ang pandemya.     Sinabi ni CSC commissioner Aileen Lizada na ang institutionalization ng flexible work arrangement ang sagot ng komisyon sa bagong normal para sa gobyerno upang […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 43) Story by Geraldine Monzon

    NAGISING si Bernard na si Regine at hindi si Angela ang katabi niya sa kanilang kama. Nagulat siya nang makitang pareho silang naked.   Nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.   Nabigla si Bernard. Ngunit mas higit na nabigla si Bela.   “D-Dad?”   Namutla si Bernard. Hindi niya alam kung paano ang magiging […]