• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panuntunan ukol sa doble o sobrang ayuda na natanggap ng mga benepisyaryo ng 4Ps

Ipinababatid ng DSWD na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na muling nakatanggap ng ayuda ng Social Amelioration Program mula sa pondo ng DSWD sa pamamagitan ng pamahalang lokal ay magkakaroon ng pagbabago o adjustment sa kanilang buwanang cash grant mula sa regular na implementasyon ng 4Ps.

 

Ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay kabilang rin sa benepisyaryo ng Social Amelioration Program o SAP at sila ay nakatanggap na ng ayuda na nagkakahalaga ng P3,650 hanggang P6,650 na karagdagang halaga base sa iminungkahing halaga ng minimum wage para sa bawat rehiyon ng bansa.

 

Halimbawa, sa regular na programa ng 4Ps, ang bawat pamilyang benepisyaryo ay regular na nakatatanggap ng halagang P1,350 kada buwan. Sa panahon ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic, kung ang pamilya ay mula sa NCR, ang ayudang matatanggap ng bawat pamilya ay P8,000 para sa isang buwan, ngunit kung ang pamilya ay benepisyaryo ng 4Ps, sila ay tatanggap lamang ng P6,650 na karagdagang halaga sa isang buwan mula sa kanilang buwanang ayuda na P1,350.

 

Kung sakaling nakakuha ang mga benepisyaryo ng 4Ps ng ayuda mula sa pamahalaang lokal ay ibabawas sa halagang nakukuha nila buwan-buwan mula sa regular na implementasyon ng 4Ps.

 

Gayundin, kung sakaling nakatanggap rin ang benepisyaryo ng 4Ps ng ayuda mula sa programa ng iba pang ahensya ng pamahalaan katulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na CAMP (COVID-19 Adjustment Measures Program) o sa programa ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) Program ng Social Security System (SSS), kailangan nilang isauli ang ayudang mula sa DSWD o kaya naman ay magkakaroon din ng pagsasaayos o ibabawas din sa grants na mula sa regular na implementasyon ng 4Ps.

 

Bagamat patuloy pa rin ang ginagawang balidasyon sa mga nakatanggap ng first tranche ay sinimulan na rin ang pamimigay ng pangalawang bugso ng ayuda. Partikular ito sa mga 4Ps sa mula lugar na kabilang sa naitalagang bibigyan ng second tranche base sa kasulatan galing sa tanggapan ng pangulo.

 

Other News
  • Gilas Pilipinas nasa New Zealand na!

    DUMATING na ang Gilas Pilipinas sa Auckland, New Zealand para sa third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na aarangkada sa Huwebes.     Nangunguna sa de­legasyon si Gilas Pilipinas head coach Nenad Vucinic kasama ang 11 miyembro ng Gilas Pilipinas na sasabak kontra sa host New Zealand.     Makakasagupa ng Gilas […]

  • ‘Di na sila maaapektuhan pag may lumabas na isyu: TONTON, itinangging ‘on the rocks’ ang relasyon nila ni GLYDEL

    NANGUNGUNA sa listahan ng mga kontrobersiya sa showbiz ang tungkol sa hiwalayan ng mga mag-asawa at magkarelasyon.     Tulad ng balita, na wala pang kumpirmasyon, na hiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, at ang much-talked about hiwalayan nina Kathryn Bernado at Daniel Padilla.     Nakabitin pa rin ang isyu tungkol kina […]

  • Navotas, kinilala si San Jose bilang city patron, protector

    SA kapistahan ng Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas, opisyal na kinilala ng Lungsod ng Navotas si San Jose bilang city patron at protector nito.     Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco at ng city council ang City Ordinance No. 2024-05, na nagdeklara rin ng unang Linggo ng Mayo bilang Pistang […]