SENIOR SA MAYNILA MAY SARILING HOTLINE
- Published on June 22, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI na maabala pa kung may problema o katanungan ang isang Senior Citizen sa Maynia matapos na pagkalooban sila ng sariling hotline na maari nilang tawagan.
Ito ay matapos iutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno”Domagoso ,ang pagbuo ng call center at inatasan din si Office of the Senior Citizens (OSCA) Marjun Isidro na i update ang listahan ng mga senior citizens sa Maynila para malaman kung sino ang mga nagsilipat na ng tirahan at pumanaw na.
“Sisiyasatin mabuti ang mga sumakabilang-buhay o lumipat na para ang datos namin ay tama kasi, pera ng taumbayan ‘yan kailangan maging masinop kami sa pangangalaga ng pera ng bayan,”ayon kay Moreno.
Kasabay nito,sinabi ni Moreno na target niyang tapusin sa loob ng tatlong buwan ang activation at papamahagi ng PayMaya cards na maglalaman ng P500 pension kada buwan para sa may 150,000 senior citizen simula noong Enero .
Sinabi ni Moreno na gusto niya na lahat ng senior citizen sa siyudad ay magkaroon ng pension,kahit pa man sila ay mayaman , mahirap o middle class at ang mga cards ay idi deliver mismo sa kanilang bahay.
“Isa-isang inaayos ang mga cards bilang tulong sa OSCA. Ang gusto ko, ayusin ang datos kasi masakit pakinggan na dalawang magkaibigang senior, isa nagkaroon tapos ‘yung isa wala. Walang maiiwan,” ani kay Moreno.
Alam umano ni Moremo na kapag ang isang tao ay tumanda na,limitado na ang kanyang kapasidad na kumita kaya iniisip ng gobyerno na matulungan sila kahit sa maliit na paraan.
“Gusto natin matulungan ang mga senior citizens kaya naisip natin ang regular na ayuda pambili man lang ng paracetamol. Maliit pero gusto ko lahat masaya,” dagdag pa ni Moreno. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Opensa Depensa Ni REC Alaska Milk babu na sa PBA
TATAPUSIN na lang ng Alaska Milk ang kasalukuyang 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup bago magpaalam sa unang propesyonal na liga ng sport sa Asya sa taong ito. “All good things come to an end,” namamalat na bulalas ni team owner Wilfred Steven ‘Fred’ Uytengsu Jr. sa pinatawag na Zoom press conference […]
-
Hero’s welcome kay Yulo ikinakasa sa Maynila
NAGHAHANDA na ang mga Manileño sa gagawing hero’s welcome para kay Carlos Edriel “Caloy” Yulo makaraang masungkit nito ang gold medal sa men’s artistic gymnastics floor exercise sa Paris 2024 Olympic nitong Sabado. “Manileño po si Caloy Yulo. Taga-Leveriza. Kaya sobrang proud at happy po kami para sa kanya,” pahayag ni Manila 3rd […]
-
NTF, pupunta ng Basilan, iba pang BARMM areas para bilisan ang vax drive — adviser
PUPUNTA ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para taasan ang COVID-19 vaccination drive sa rehiyon. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa na inanunsyo ni NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatakda silang bumisita […]