Rookie card ni LeBron posibleng maibenta sa $1-M sa auction
- Published on June 22, 2020
- by @peoplesbalita
Posibleng umabot sa mahigit $1 million ang presyo sa auction ng pirmadong rookie card ni NBA star LeBron James.
Ayon sa Goldin Auctions ang LBJ 2003-2004 Upper Deck Exquisite card ay isa sa 23 nagawa kung saan ito ay pang-14.
Mayroong kondisyon ito na 9.5 o tinatawag na “gem mint” at good as new.
Pirmado mismo ni James ang card na kulay asul na tinta at bukod pa dito ay mayroong actual patch mula sa jersey nito sa Cleveland Cavaliers.
Noong 2003-2004 ay mayroong 21 points per game, 6 assists at 5.5 rebounds ang average ni James at sa taong din yun ay nakuha niya ang Rookie of the Year.
Sisimulan ang pag-bidding sa Hunyo 22 sa card na may size na 2.5 inch by 3.5 inch.
Inaasahan ng Goldin Auctions na malalampasan ng LBJ card ang ultra-rare card ng baseball great na si Mike Trout na naibenta sa halagang halos $923,000.
-
Approved at taas-kamay sa kanya si Heart: LIZA, nagpakitang gilas sa ‘New York Fashion Week’
NASA New York Fashion Week ang Filipina actress na si Liza Soberano para sa Spring 2025 show ng American fashion house na Coach. Ibinahagi ni Liza ang mga larawan ng outfit na isinuot niya sa fashion show, isang golden jacket, yellow lace top at denim jeans, golden heels, at isang black shoulder […]
-
Herd immunity sa Maynila kayang maabot hanggang Setyembre
Tiwala ang Manila City Governments na makakamit nila ang herd immunity hanggang sa Setyembre. Ito ay dahil sa tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagpapabakuna sa mga residente doon. Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na mayroong mahigit 35,000 kada araw silang nababakunahan mula ng palakasin ang vaccination drive ng city government. […]
-
DBM, labis ang pasasalamat sa napapanahong pagkakapasa sa 2025 nat’l budget
PINASALAMATAN ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa napapanahong pag-apruba sa panukalang P6.352 trillion national budget para sa taong 2025. Ito’y matapos aprubahan ng bicameral conference committee ang pinal na bersyon ng House Bill (HB) 10800 o ang 2025 General Appropriations Bill (GAB). “We extend our sincerest […]