Gulo sa Kongreso, maglalatay sa administrasyon at hindi sa mga indibidwal na nagbabangayan para sa kapangyarihan – PDu30
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa administrasyon babagsak ang nangyayaring gulo sa kasalukuyan ng mga kongresista na patuloy na nagbabayangan bunsod ng usapin tungkol sa kapangyarihan.
Ani Pangulong Duterte, hindi naman mga pangalang “ Alan o Lord” ang babanggitin ng mga tao kapag napag- usapan ang away sa Kongreso.
Ang maaalala aniya ng tao sa gulong nangyayari sa Kongreso ay naganap ito sa kanyang Administrasyon sa halip na ibato ang baho sa mga mambabatas na nag-aagawan ngayon sa kapangyarihan.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang gusto niya sana’y maging maganda ‘ang kanyang administrasyon at huwag makaladkad o madamay sa bangayan ng mga nagbabanggaang kongresista.
Kapag nangyari aniya ito sabi ng Pangulo ay doon na magkakaroon ng problema. (Daris Jose)
-
PBBM, oks sa paglikha ng single operating system para sa lahat ng gov’t transactions
APRUBADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglikha ng single operating system para sa lahat ng transaksyon sa gobyerno upang matiyak ang mabilis na pagnenegosyo sa bansa. Sa isinagawang sectoral meeting on improving bureaucratic efficiency, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na ikonsidera ng iba’t ibang ahensiya na nagta-trabaho sa code o […]
-
Mini-movie nina JOHN LLOYD at BEA, trending at kinakiligan ng netizens
KINAKILIGAN ng netizens ang mini-movie na One True Pair na hatid ng Jollibee Studios na balik-tambalan ng isa sa pinakasikat at pinakaminahal na loveteam ng bansa na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Pansin na pansin na very personal sa kanila ang script na sinulat ni Joler Mijares, kaya naman marami ang […]
-
Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center, nagkamit ng mga parangal sa QUILTS Awards 2022
LUNGSOD NG MALOLOS – Isang panibagong pagkilala ang muling nadagdag sa listahan ng mga karangalang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan nang magkamit ang pasilidad na Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center ng dalawang malaking karangalan bilang kampeon sa parehong kategorya ng Linkage to Care at Differentiated Service Delivery and Case Management sa katatapos lang […]