• March 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

$750M loan deal para sa COVID-19 response, nilagdaan ng Pilipinas at China-led AIIB

Lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas sa China-led Asian Infrastructure Bank (AIIB) para sa $750 million na loan para gamitin sa COVID-19 response ng pamahalaan.

 

Pinagtibay ng $750-million loan accord na ito ang commitment ng AIIB na maging katuwang ng Asian Development Bank (ADB) sa pag-finance sa COVID-19 Active Response and Expenditures Support (CARES) program ng Pilipinas.

 

Sa isang statement, sinabi ni Finance Sec. Calors Dominguez III na makakatulong ang inutang na pera mula sa AIIB para sa funding requirements na kinakailangan upang tugunan ang malalang epekto ng COVID-19 hindi lamang sa mamamayan ng bansa kundi maging sa ekonomiya rin.

 

“On behalf of the Philippine government, we thank the AIIB and President Jin Liqun for committing with the ADB to support the CARES program, which will go a long way in helping our people get back on their feet, and our economy recover and emerge stronger after the crisis,” ani Dominguez.

 

Umaasa ang DOH na nitong buwan ay makakamit ang full disbursement ng $750 million na utang mula AIIB.

 

Ang utang na ito ay may maturity periord na 12 taon at may grace period pa na tatlong taon.

 

Noong Mayo, mababatid na lumagda rin si Dominguez ng kasunduan sa ADB para naman sa $1.5 billion budgetary support para gamitin din ng pamahalaan sa CARES program. (Daris Jose)

Other News
  • Barbers sinabing suportado ng malakas na ebidensya ang impeachment vs VP Sara

    SUPORTADO ng malakas na ebidensya ang mga alegasyon sa impeachment case na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte ay suportado ng maraming matitibay na ebidensya. Ito ang inihayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. Si Barbers, na siyang lead chairman ng House Quad Comm lead, ay nagbigay ng pahayag bilang tugon sa […]

  • Very competitive kasi ang mga misyon nila: LEXI, umamin na nagkapikunan sila sa ‘Running Man Philippines’

    AMONG sa Boys of Summer ng Sparkle, mukhang itong si Raheel Bhyria ang puwedeng natawag na playboy.   Nali-link kasi ang 22-year old Filipino-Pakistani sa mga young actresses na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, at Jillian Ward.   Pero nilinaw ni Raheel na hindi raw niya niligawan sina Andrea at Francine. Mga kaibigan lang daw […]

  • Sen. Manny, ‘di talaga approve sa pagbo-boxing ni Jimuel

    WALA raw problema kay Senator Manny Pacquiao ang pagiging celebrity din ng kanyang mga anak.   Ang panganay na si Jimuel ay isa nang amateur boxer. Si Michael ay nakikilala sa kanyang pagiging musician at si Princess naman ay isang vlogger.   Pero inamin ni Pambansang Kamao na sa mga ginagawa ng kanyang mga anak, […]