• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacman handa na sa laban

Ibinida ng kampo ni boxing superstar Sen. Manny Pacquiao na handa ito at hindi na kailangan ang mahabang oras upang magpalakas sakaling muling tumapak sa ibabaw ng ring.

 

Ito ang reaksyon ng Pacquiao camp sa pahayag ni Top Rank big boss Bob Arum na niluluto na umano nito ang bakbakan sa pagitan ng Fighting Senator at ni WBO welterweight champion Terence Crawford.

 

Sinabi ni head trainer-coach Buboy Fernandez na handa si Pacman anomang oras matanggap nila ang petsa para sumabak sa laban ang kanyang alaga.

 

Isiniwalat ni Fernandez na kahit may lockdown,  tuloy-tuloy ang light training ni Pacquiao kaya hindi problema ang pagpapatibay sa stamina nito sa oras na ilabas na ang schedule.

 

Pero ayon kay Fernandez, nasa kanila pa rin ang huling salita kung sino ang gustong sagupain ng Pambansang Kamao.

 

Sa ngayon ay naghihintay umano sila kung may mabubuong kasunduan sa pagitan ng magkabilang panig.

Other News
  • PDu30, kinunsiderang palitan sa puwesto si Customs chief Rey Guerrero

    UMAMIN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kanyang ikinunsidera na palitan na si retired general Reynaldo Guerrero bilang pinuno ng Bureau of Customs (BOC).   Subalit nilinaw ng Pangulo na hindi ito dahil sa korapsiyon kundi dahil sa ipinagkakaloob nitong tiwala  sa mga taong hindi naman dapat pagtiwalaan.   Special mention dito ng Pangulo si […]

  • Paalala ng CHR: listahan ng mga unvaccinated residents hindi dapat lumabag sa ‘right to privacy’

    PINAALALAHANAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga barangay officials na hindi dapat mauwi sa paglabag sa “right to privacy” ng mga residente na makakasama sa listahan ng mga hindi bakunado.     Ang panawagan na ito ni CHR spokesperson and lawyer Jacqueline Ann de Guia ay matapos na magpalabas ang Department of the […]

  • Non-stop ang pagdating ng magagandang projects: JULIE ANNE, bongga na ang career at lucky in love pa dahil kay RAYVER

    IT seems non-stop ang success ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.       Sabi nga, bukod sa lucky in love si Julie dahil kay Rayver Cruz, very lucky rin ang Sparkle star na tumanggap ng Silver Award para sa “Limitless: A Musical Trilogy” mula sa 2022 New York Festivals TV and Film Awards.   […]