Malakanyang, todo-depensa
- Published on June 3, 2020
- by @peoplesbalita
Todo-depensa ang Malakanyang sa naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga mambabatas na amiyendahan ang anti-terrorism law ng bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na walang ‘draconian provisions’ ang nakapaloob sa Human Security Act of 2007.
“Wala naman pong draconian na provision diyan. Lahat po ng provision diyan binase rin natin sa batas ng iba’t ibang bansa na mas epektibo po ang kanilang pagtrato sa sa mga terorista,” ayon kay Sec. Roque.Ang batas ay naka-pattern ani Sec. Roque sa anti-terrorism laws ng United Kingdom, United States, at Australia. “Wag po natin kalimutan hindi po tayo istranghero sa terorismo,” aniya pa rin.
Nauna rito, sinertipikahan bilang urgent measure ni Pangulong Duterte ang panukalang pag-amyenda sa Anti-Terrorism Law, upang mapabilis ang pag-usad nito sa Kongreso.
Ang panukalang ito ay layong palakasin pa ang laban ng Pilipinas kontra terorismo.
Sa ilalim ng bersyon ng panukala na inadopt ng Kongreso, dinagdagan ang bilang ng araw na maaaring i-detain ang hinihinalang terorista kahit walang arrest warrant. Mula sa tatlong araw, iniakyat ito sa 14 na araw at maaaring ma-extend ng 10 pa.
Ilan rin sa mga nilalaman ng panukala na kinukwesyon ay ang pag-aalis ng probisyon ng Human Security Act of 2007.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang basehan ang pangamba ng mga tumututol dito.
Matatandaan kasi na kinuwestyon ito ng ilang mambabatas, habang inulan rin ito ng batikos sa social media, dahil sa umano’y posibleng paglabag sa karapatang pantao.
Ayon sa kalihim, mayroong mga nakapaloob na kaparusahan sa panukalang ito upang matiyak na hindi ito maabuso.
Ayon naman kay DILG Secretary Eduaro Año, walang dapat ikatakot ang publiko sa batas dahil pinag-aralan itong mabuti at matagal na panahon itong tinalakay.
Ani DILG Secretary Eduardo Año, “So ito po naman ay para sa kaligtasan ng lahat, at pinag-isipang mabuti at sinisigurado po natin na walang abusong mangyayari. Kaya sana po ay suportahan na rin natin itong anti-terrorism bill po natin.” (Daris Jose)
-
Bentahe ang teritoryo: Brandon Vera, idedepensa ang titulo sa
NAKATAKDANG idepensa ni Filipino-American mixed martial arts fighter Brandon Vera ang kaniyang ONE heavyweight world title laban kay Canadian athlete Arjan Singh Bhullar na gaganapin sa Mayo 29 sa Mall of Asia Arena. Si Vera ang babandera sa “ONE Infinity 2” kung saan kasama niya si ONE World lightweight champion Christian Lee, na haharap […]
-
Tulad nang naranasan ni Ruru sa ‘Black Rider’: KATRINA, naaksidente habang kinukunan ang maaksyong eksena
NAAKSIDENTE pala si Katrina Halili habang kinukunan ang isang maaksyon na eksena sa action-serye na ‘Black Rider’ ng GMA Public Affairs. On Instagram, sinabi ng Kapuso actress na naka-recover na siya mula sa aksidente at nakapag-taping na siya ulit. “Recovered from a mishap from Black Rider shoot, game na ulit si […]
-
Matt Reeves’ ‘The Batman’ HBO Max Release Date Set For April 2022
WarnerMedia CEO Jason Killar confirms that Matt Reeves’ The Batman will release on HBO Max in April 2022, a month after its theatrical release. Reeves’ new take on the iconic DC Comics hero stars Robert Pattinson, Zoë Kravitz, Jeffrey Wright, Andy Serkis, Paul Dano, and Colin Farrell. The Batman is the next DC release from Warner Bros, […]