• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jeep at iba pang pampublikong sasakyan, payagan nang bumiyahe

Hinikayat ng grupong Gabriela ang gobyernong Duterte na payagan na ang mga jeep, bus at iba pang mass transport services na makabiyahe ngayong nasa ilalim  na ng general community quarantine (GQC) ang Metro Manila at ilan pang karatig na lugar sa bansa.

 

“Malinaw ngayong unang araw ng GCQ ang parusang dulot sa komyuter at drayber ng pagmamatigas ng gobyerno para pagbawalan ang pagpasada ng mga jeepney at public buses. Dapat na baguhin agad ang panuntuhan ng otoridad kaugnay nito. Huwag na nating dagdagan pa ang paghihirap ng ating mga kababayang babalik sa trabaho matapos ang mahigit 2 buwan na lockdown,” ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas.

 

Sinabi pa ng mambabatas na mas mapanganib pa nga ang paglalaan ng mga military trucks at police mobiles bilang transport service dahil hindi nito masisiguro ang kalusugan at safety protocols ng mga pasahero.

 

“Bakit hindi tulungan ng gobyerno ang mga tsuper at mananakay na umangkop sa sinasabing new normal at health protocols sa public transport? Mahigit 2 buwan silang walang pasada at kita. Bakit pa natin pahahabain ang kanilang pagdurusa?” pahayag pa ng kongresista.

 

Lumilitaw aniya na ginagamit umano ng ilang transport officials ng pamahalaan ang GCQ protocols para makapasok ang mas magastos na modernong transport vehicles habang inaalis ang mga locally assembled at iconic na jeep.  (Ara Romero)

Other News
  • Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial, ibinulsa ang 3rd gold medal ng Phl sa boxing sa SEA Games

    PANALO sa pamamagitan ng stoppage ang Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial laban sa East Timorese slugger Delio Anzaqeci sa unang round pa lamang ng kanilang pagharap sa 31st Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Bac Ninh Gymnasium.     Ginamit ni Marcial ang kanyang jab para i-set up ang kanyang kalaban para sa […]

  • PSC inihahanda na ang mga pasilidad para sa Team Philippines

    KAILANGAN  nang pag­handaan ng mga national athletes ang mga darating na international competitions kagaya ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia at ang 19th Asian Games sa China sa 2023.     Kaya naman gagawing 100% operational ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) at PhilSports Complex bilang mga main training […]

  • Ads March 12, 2020