MGA KABASTUSAN sa mga JEEP at TRICYCLES, IAYOS NA RIN!
- Published on June 3, 2020
- by @peoplesbalita
May isang nanay ang nagpadala ng hinaing sa Lawyers for Commuters Safety and Protection(LCSP) tungkol sa mga bastos daw na rap song na madalas nang pinapatugtog ng mga jeepney drivers habang bumibyahe.
Ang sumbong sa akin, malalaswa at bastos ang mga kanta na noon lang niya narinig nang sumakay siya ng jeep. Gaya raw halimbawa ng mga rap song na may lyrics na “huwag ka paiy*# girl … huwag ka pai?0t” … meron pa yung isang kanta na ang sabi … “mas gusto mo ba na dinidi&*an ka … kasi gusto mo na binx@bayo kita.”
May mga stickers din daw na puro pambabastos sa mga kababaihan at walang respeto at paggalang ang mga mensahe. Nababastos po ang ilang mga babaeng pasahero lalo na ang nanay na nagsusumbong kasi madalas kasama nya ang anak na babae na 11 years old pa lang.
Meron din na mga tricycle na may mga stickers ng gagamba na ang sabi – Miss pasapot naman”. Sana raw ay hindi nabibigyan ng prankisa ang mga public transportation na ganyan. Dapat ipagbawal ang mga malalaswang tugtog sa jeep at mga malalaswang mga stickers lalo at hindi naman mapipigil o mapipili ang mga sumasakay sa jeep at tricycle.
Ayon sa sumbong, madalas magpatugtog ng mga bastos ang mga jeep na ito lalo kapag may mga high school students na mga babaeng pasahero. Minsan pa nga raw ay yung nga bastos na salita ay nakasulat pa sa mga tshirts ng drivers.
Nakikiusap ang nanay na nagsumbong, na sana ma-regulate ang mga ganitong bastos na mga drivers lalo na yung ang mga ruta ay kung saan maraming mga menor-de-edad ang sumasakay. Sana ay makarating sa mga kinauukulan ang mungkahi ng nanay na nagsumbong. (LASACMAR)
-
PAGASA, nagbukas ng mahigit sa 100 permanent positions sa buong bansa
INANUNSYO ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may mahigit sa 100 permanent job ang bakante sa kanila ngayon. Ang mga posisyong bukas ayon sa PAGASA ay sa Central Office sa Quezon City, Aeronautical Meteorological Services Section sa Pasay City, at regional at field offices sa iba’t ibang bansa, kabilang na […]
-
DOTr: Mga biyaherong naapektuhan ng GCQ bubble, libreng magpa-rebook
Inihayag ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na maaaring mag-refund o magpa-rebook ng libre ang mga biyahero mula sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, na ang mga biyahe ay nakansela dahil sa ipinairal na general community quarantine (GCQ) bubble ng pamahalaan. Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon, naglabas na […]
-
Kakantahin ang first Christmas song: JK, may paandar na pangangaroling sa kanyang fans
TUNGKOL sa male singers ang column items natin for today. Una ay si Juan Karlos o JK Labajo. Paandar ang pangangaroling ni JK ngayong Pasko sa kanyang fans, huh! At hindi ito drowing dahil tinotoo niya na sinimulan niya sa isang senior citizen na masugid na tagahanga ni JK. Bago pa […]