Mas malaking pondo, kailangan ng DepEd sa ilalim ng new normal – official
- Published on June 3, 2020
- by @peoplesbalita
Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na mangangailangan umano sila ng mas malaking pondo sa darating na taon kasabay sa ginagawang adjustment ng kagawaran bunsod ng mga pagbabagong hatid ng coronavirus crisis.
Paliwanag ni DepEd USec. Jesus Mateo, inaasahan na nilang lalaki ang bilang ng kanilang mga kawani dahil sa pinaghahandaang transition patungo sa “new normal”.
“Sana po matulungan kami at masuportahan sa paglaki ng budget. Kasi po unang-una, hindi lang PS (personnel services) ang lalaki, kailangan magkaroon ng additional manpower hindi lang sa usapin ng guro pati ‘yung susuporta sa guro [IT personnel] kasi mag-iiba talaga ang ating sitwasyon eh,” wika ni Mateo.
“Lalaki rin po ‘yung communication expenses, sa katunayan nga po ngayong enrollment na isinasagawa natin, ‘yung mga teacher po nagtatawag sa mga kanilang dating estudyante—regular phone, cellphone, o kaya nag-e-email. Siyempre may mga internet expenses po iyan,” dagdag nito.
Sinabi pa ng opisyal, dapat ding maging parte ng new normal ang pangangalaga sa mental health ng mga guro at mag-aaral.
“We have to ensure yung mental health condition ng ating mga tao po. Kaya nararapat po na kailangan pa rin mag-increase ng manpower diyan o humanap ng mechanism to ensure that stable po mentally, spiritually, physically tayong lahat,” ani Mateo.
Dapat din aniyang bigyang prayoridad ang internet connectivity at electrification program ng ibang sangay ng gobyerno para matiyak ang pantay-pantay sa access sa blended forms ng edukasyon.
Sa Agosto 24 na itinakdang araw ng pagbubukas ng School Year 2020-2021, sisimulan ng DepEd ang pagpapatupad sa “blended forms” ng pag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.
-
Award-Winning Filipino-Chinese Film “Her Locket” to Premiere at San Diego Filipino Film Festival
The acclaimed Filipino-Chinese film “Her Locket” is all set to make its grand entrance into the US film scene with its premiere at the San Diego Filipino Film Festival this October 3rd. After a stunning victory at the 2024 Sinag Maynila Independent Film Festival, where it won eight major awards, this cinematic masterpiece is ready […]
-
DOTr: Operasyon at pamamahala ng MRT 3 i-auction off sa pribadong sektor
MAAARING ipa-auction off ang operasyon at pamamahala ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) sa pribadong sektor matapos makatanggap ng unsolicited proposals ang Department of Transportation (DOTr) mula sa dalawang malalaking kumpanya sa bansa. “Most probably our direction is solicited because there are two proposals. Normally, if there are more than one unsolicited proposal, […]
-
Inamin na naiinip na ang Kuya Jak niya: SANYA, malinaw na ang mga mata pero hirap pa ring makikita ng dyowa
SA inauguration at ribbon-cutting ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center sa BGC, Taguig City last April 26, nakatsikahan namin ang mga ambassadors na sina Ellen Adarna at Sanya Lopez. Pareho silang sumailalim sa lasik surgery kaya naman malinaw na malinaw na ang kanilang mga mata. Inamin si Sanya na noong una ay […]