• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robredo nanawagan para sa mas ‘organisadong’ pag-asikaso sa repatriated OFWs

Tinawag ni Vice President Leni Robredo ang pansin ng concerned agencies na nag-aasikaso sa repatriated Pinoy overseas workers dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Nabatid kasi ng bise presidente na tila hindi pa rin organisado ang tulong sa mga umuwing OFW, kung saan karamihan ay na-stranded sa mga quarantine centers sa Metro Manila.

“Medyo disorganized talaga… nababasa natin sa Facebook, marami iyong nagpapaabot sa atin na ilang— Sinundo na sila sa hotel o sinundo na sila sa quarantine center, dinala na sila sa airport, pero ilang araw pa silang naglagi sa airport kasi walang kasiguruhan iyong flights,” ani Robredo sa kanyang weekly radio program.

 

Patuloy daw na nakakatanggap ng panawagan at apela para sa tulong ang Office of the Vice President mula sa mga OFW na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha ang resulta ng kanilang COVID-19 tests. May ilan ding stranded sa airport.

 

“Sana nag-uusap-usap iyong mga ahensya. Kasi alam ko sa quarantine, ang iba under sa Bureau of Quarantine, mayroong under sa OWWA. Sana nag-uusap-usap sila para inventory saka iyong daloy mas efficient.”

 

May ilang Pinoy workers din umano sa abroad na wala pa ring natatanggap na update kung makakauwi na sila ng Pilipinas, dahil wala na rin silang trabaho doon.

 

Humingi naman nang paglilinaw ang bise presidente tungkol sa hakbang ng gobyerno na pauwiin ng kani-kanilang probinsya ang mga OFW.

 

“Hindi ko alam kung totoo ito, kasi iyong claim naman ng pamahalaan iyong mga pinabiyahe na pabalik sa mga probinsya ay cleared na.”

 

“Pero may mga mayors na nagrereklamo, isa doon si Mayor Richard Gomez ng Ormoc, na ang tagal nilang pinagdusahan na asikasuhin na walang nakakapasok na walang health clearance, tapos ito, parang pinipilit silang tanggapin. Hindi ko alam kung accurate, pero binabasa lang natin sa balita na nababasa natin.”

 

Ang “Hatid OFW sa Probinsya” na hawak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay isa lang sa mga sangay ng Hatid Probinsya program ng pamahalaan.

 

Layunin nito na ihatid pauwi ng probinsya ang mga stranded OFW sa Metro Manila. Ang “Balik Probinsya” program naman ay hiwalay na plataporma para sa low-income families sa National Capital Region na nais umuwi ng kanilang mga probinsya. (Ara Romero)

Other News
  • Ads April 26, 2021

  • Pinatunayan lang na girl na girl at may ‘matres’ Pagbubuntis ni ANGELICA, maraming natuwa at isa na si JUDY ANN

    NAPAKARAMI talagang naging masaya sa pagbubuntis ng actress na si Angelica Panganiban.       Na para bang kahit biruan lang, na-prove na may “matres” nga siyang talaga at hindi siya “bakla.”     Mukhang isa ang kaibigan at “ate” talaga ang turing ni Angelica na si Judy Ann Santos sa nakaalam agad na buntis siya. […]

  • Minors sa NCR bawal lumabas ng bahay simula Marso 17– MMDA

    Ipagbabawal ang paglabas ng mga menor de edad sa National Capital Region (NCR) simula Marso 17, sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Ito ang sinabi ng naturang tanggapan isang araw matapos umabot sa 5,404 ang arawang pagtalon ng kaso — ang ikaapat na pinakalamaki sa […]