• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naturukan na ng Covid -19 vaccine ang 100k Tsinoy na nagtratrabaho sa POGO sa Pinas

WALANG impormasyon si Presidential Spokesperson Harry Roque sa sinabi ni civic leader Teresita Ang-See na may 100,000 Chinese POGO workers na ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

 

“Wala po akong impormasyon kung kung man totoo edi mabuti, 100,000 less possible carriers of the Covid -19 virus,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ukol naman sa kung paano nakapasok ang bakuna at kung sino ang namahala sa pagbabakuna ay sinabi ni Sec. Roque na wala siyang maisasagot dito.

 

“Wala po akong kasagutan dyan noh. ang masasabi ko lang po .. kung totoo.. Hindi ko kinukumpirma yan noh. that’s hundred thousand less carrier of Covid -19. ‘Yan lang po ang masasabi ko dyan,” ani Sec. Roque.

 

Nabanggit kasi ni Teresita Ang-See na nabakunahan na di umano ang may 100,000 Tsinoy na nagtatrabaho sa POGO sa Pilipinas.

 

Samantala, inamin naman ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago L. Sta. Romana na hindi pa siya natuturukan ng bakuna laban sa Covid- 19.

 

“Wala pang access dito to foreigners to get the vaccine noh. But now that there is genneral approval for general used.. if its quite possible in the near future or in the coming.. sometime this year. As of now, we have not yet got the vaccine yet..,” anito.

Other News
  • Mga Filipino sa Vietnam, todo suporta sa mga atletang pinoy na sumasabak sa 31st SEA Games

    IBA’T IBANG pamamaraan ang ginagawa ngayon ng mga Pilipino sa Vietnam para maipakita ang kanilang suporta sa mga Pilipino athlete sa nagpapatuloy na 31st South East Asian Games.     Sinabi ni Bombo International News Correspondent Arlie Dela Peña, isang guro sa Hanoi, Vietnam na kahit kaunti lamang silang mga Pilipino sa naturang bansa ay […]

  • NBA tinanggal na ang kanilang project sa China

    Tinangal na ng NBA ang kanilang project sa training center sa Xinjiang region matapos ang batikos na kinakaharap dahil sa pagtrato nila sa mga minorities.   Sa sulat na inilabas ni Senator Marsha Blackburn, ilang milyong dolyar ang kanilang lugi ng hindi na ini-ere ng Chinese broadcasters ang kanilang mga laro noong nakaraang taon.   […]

  • Pagsusuri sa education curriculum, suportado ni PBBM

    SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang panukalang suriing mabuti ang education curriculum ng bansa upang ihanda ang mga estudyante na may  skills o kasanayan na kinakailangan ng iba’t ibang industriya at tugunan ang umiiral na  job mismatch.     Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na napag-usapan sa lingguhang Cabinet meeting, araw ng […]