• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POLICE WOMAN NAGPAPUTOK NG BARIL, ARESTADO

Kalaboso ang isang police woman matapos walang habas na magpaputok ng kanyang service firearm makaraang makatalo ang kanyang live-in partner dahil umano sa selos sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Malabon City.

 

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz ang dinakip na si PSSg. Karen Borromeo, 39 ng Purok 6 Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon at nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 4 na mahaharap sa kaukulang kaso.

 

 

Ayon kay BGen. Cruz, nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ni PSSg Borromeo at ng kanyang  live-in partner dahil sa selos na naging dahilan upang walang habas na magpaputok ng kanyang service firearm ang pulis sa harap ng bahay sa No. 119 Dulong Herrera St. Brgy. Ibaba dakong 7:45 ng gabi.

 

 

Nang marinig ng isang sky cable installer na nasa roof top ng kanyang bahay ang sunod-sunod na mga putok ng baril ay agad niyang ipinaalam ang insidente sa Malabon Police Sub-Station 6.

 

 

Kaagad namang rumesponde sa naturang lugar ang mga tauhan ng SS6 sa pangunguna ni P/Lt. Mannyric Delos Angeles kung saan sumuko sa kanila si PSSg Borromeo at kanyang cal. 9mm Glock service firearm.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang 14 basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

 

 

Ayon kay BGen. Cruz, si Borromeo ay positibo sa paraffin examination subalit, negatibo ito sa drug test at alcoholic breath.

 

 

Mariing sinabi ni BGen. Cruz na hindi uubra sa serbisyo ang mainit na ulong pulis kaya kailangang managot at harapin ang isinampang kaso.

 

 

“Erring Police Officer who will be caught indiscriminately fired their Service Firearm will be dealt accordingly and the Officers and Men of the Northern Police District assure the public that the full force of the law  shall be applied in the case of PSSg Borromeo and let the wheel of justice roll,” ani PBen. Cruz. (Richard Mesa)

Other News
  • Lead physician ni PBBM na si Dr. Zacate, bagong hepe ng FDA

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang kanyang  lead physician na si Dr. Samuel Zacate, bilang pinuno ng Food and Drug Administration (FDA).     Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na kuwalipikado si Dr. Zacate sa nasabing posisyon at walang kinalaman ang pagiging lead doctor nito  kay Pangulong  Marcos para italaga siya bilang bagong […]

  • 4 Olympic medalists, ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng Senado

    Ginawaran ng kauna-unahang Philippine Senate Medal of Excellence ang apat na Filipino medalist sa nakaraang Tokyo Olympics sa bansang Japan.     Ito na ang pinakamataas na parangal mula sa mataas na kapulungan ng Kongreso.     Dumalo sa awarding si weightlifter at Olympics goldmedalist Hidilyn Diaz, boxer silver medalist Carlo Paalam, silver medalist Nesthy […]

  • Malacañang tikom sa pagtaboy ng barko ng China sa lantsa ng Pinas

    Tikom ang Malacañang sa napaulat na pagtaboy ng isang armadong barko ng China sa isang civilian vessel kung saan nakasakay ang crew ng ABS-CBN sa West Philippine Sea.     Ipinauubaya ni Presidential spokesperson Harry Roque sa Department of Foreign Affairs at sa Department of National Defense ang nasabing isyu.     Iniulat noong Huwebes […]