PSC P387-M ang utang sa SEAG
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
KINALAMPAG sa P387M na utang sa iba’t ibang supplier sa pagdaos ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 noong Nobyembre 30-Disyembre 11, 2019.
Siniwalat ito nitong Martes pagdinig sa Senado sa Pasay City sa panukalang 2021 budget ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Games and Amusement Board (GAB).
Ipinahayag ni PSC Executive Director Guillermo Iroy, Jr., na nakakatanggap sila ng mga demand letter mula sa iba’t ibang mga supplier na sumisingil ng utang nila o ng pamahalaan sa nabanggit na halaga.
Pinakisuyo na na aniya ng PSC ang nasabing halaga sa Department of Budget and Management (DBM) upang mabayaran ang mga supplier sa lalong madaling panahon.
“In fact there are many too many demand letters we received. Some senators have also received letters from suppliers. We expect that this P387M will soon be released by the DBM,” bulalas ni Atty. Iroy.
Orasaniyang mai-release na ang nasabing pondo ng DBM, kaagad nilang ipapasa ang nhalaga sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), na aayosng mga mga utang sa bawat supplier.
Nasa P6-B ang dapat na badyet ng ng gobyerno sa 11-nation, biennial sportsfest. Pero nasa P1.4B lang naipaluwal na ni PSC Chairman William (Butch) Ramirez kay PHISGOC President at Chief Operating Officer Ramon (Tats) Suzara.
Buhat ang P1B sa Office of the President o kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Mabayaran na sana ang mga supplier sa lalong madaling panahon dahil kawawa rin ang ilang mga kompanya sa panahon ng Covid-9 na may pitong buwan na sapul nang tumama sa bansa nitong Marso. (REC)
-
PBBM, absent sa APEC Summit
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang hindi pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nakatakdang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ngayong taon. Sa katunayan, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na itinalaga ni Pangulong Marcos si acting Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque bilang Special Envoy sa APEC Economic Leaders’ Week. Ayon kay PCO […]
-
Robredo camp, pinag-iisipan ang legal action laban sa nagpapakalat ng fake news sa social media
BILANG bahagi ng kanyang kampanya laban sa “disinformation” at kasinungalingan, kinokonsidera ng kampo ni outgoing Vice President Leni Robredo ang gumawa ng legal action laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 . “Sa darating na mga linggo at buwan, tayo ay maglulunsad ng […]
-
Mahigit P7-B na halaga pinare-refund ng ERC sa Meralco
INATASAN ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co. (Meralco) na i-refund ang bilyon-bilyong “over recoveries” sa loob sa loob ng 12 buwan o isang taon, simula ngayong Mayo. Ayon sa ERC, dapat na ibigay ng Meralco ang nasa mahigit P7.75 billion na refund sa mga residential consumer nito. Papalo […]