MANILA LGU, PINAGHAHANDAAN NA ANG PAGBIBIGAY NG LIBRENG BAKUNA KONTRA COVID-19 SA MGA MANILENYO
- Published on January 6, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAPAGPALISTA na sa “online pre-registration” ang mga Manilenyong intresadong mabakunahan kontra COVID-19 sa “on-line registration” matapos itong ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inilunsad ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Manila Health Department ang online registration na www.manilacovid19vaccine.com upang maging maayos at mapaghandaan nila ang dami ng nais magpabakuna kontra Covid-19.
Aniya, sa oras na maaprubahan ng national government agency ang gagamiting bakuna ay handa na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa isasagawa nilang operasyon upang mabakunahan ng libre ang mga Manilenyo.
“Ito yung pamamaraan ng syudad na pagiging maagap na inihahanda na natin kasi modesty aside, the City of Manila reserved already P200M since July and we’ve been talking to multinational pharmaceutical pharmacies even though they are in phase 2 at that time, at yan nagtagumpay yan kasi nagkaroon ng movement,” ani Domagoso.
“Having said that, we will try to reach as many as possible because the first order that we are trying to eye in our own little way is 400,000 dosage that will serve 200,000 Manileños,” dagdag pa ng Alkalde.
Ayon pa kay Domagoso, wala rin problema kung buong pamilya ang nais magpabakuna dahil pipilitin nilang kayanin na magkaroon ng pondo para mabakunahan ang lahat ng residente ng lungsod ng Maynila.
Aniya, kung kukulangin ang hawak na pondo na P250 million, handa silang maglaan ng P1 billion para makabili at mabigyan ang lahat ng nasabing bakuna.
Tiniyak naman ni Domagoso na ang bibilhing COVID-19 vaccine ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ay aprubado ng Food and Drug Authority (FDA) dahil hindi aniya nito kukunsintihin at hindi nito papayagan ang iligal na pagbabakuna laban sa nasabing sakit.
“Bawal na bawal yan. Walang Presidente, walang Mayor, walang senador na magsasabi hindi pwedeng mag FDA, hindi po, may batas po. Kaya yang mga tolongges na yan pati ilang senador na nagsasabi na hindi kailangan ng FDA eh kailangan po, huwag natin hikayatin yung mga ilegal,” giit ni Domagoso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Q&A WITH “MALIGNANT” DIRECTOR-WRITER JAMES WAN: “THE KEY IS TO SCARE IN A FRESH, UNIQUE WAY”
MASTER of modern horror James Wan returns to his roots as both writer and director with the new original horror thriller “Malignant.” [Watch the film’s new vignette at https://youtu.be/OCQ_H3_lwFE] A fresh, new brand of horror thriller with a surprising mystery, “Malignant” tells the story of Madison (Annabelle Wallis) who is paralyzed by […]
-
3 pang karagdagan Academic Centers, itatayo sa Valenzuela
PINANGUNAHAN ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ang isinagawang groundbreaking at capsule-laying ceremonies para sa tatlong karagdarang Valenzuela City Academic Center for Excellence (ValACE) na itatayo sa Brgy., Gen. T. de Leon, Marulas at Mapulang Lupa para sa pangarap na nito gawing “Reading City” ng lungsod. Ang tatlong itatayong mga proyektong ito ay naglalayong […]
-
Ex-Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso
NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election. Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder, at violation of BP No. 880 ang isinampa […]