• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DUTERTE PINAKIUSAPAN SA PAGBABALIK-SABONG

INAPELA ng isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na pabalikin na ang gamefowl industry o cockfighting sa mga general community quarantine na lugar sa kapuluan.

 

Sang-ayon kamakalawa kay Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, lumiham siya sa Punong Ehekutibo upang makiusap na payagan na ang mga pasabong na Malaki ang makakatulong sa pagbibigay ng trabaho at pagbangon sa ekonomiya ng bansa.

 

“I take the liberty of reiterating our collective appeal to his Excellency’s sense of compas- sion for the resumption of cock- fighting in general quarantine areas in the country subject to applicable health and safety pro- tocols which the IATF may prescribe under the new normal,” wika ng congressman sa kanyang sulat na may petsang Oktubre 6 at pinadala na sa Malacañang Palace sa San Miguel, Maynila.

 

Hinirit ni Lagon, na ligtas nam- ing buksan na ang sabong sa mga GCQ area at payag nman ang mga stakeholder na magpatupad ng kinakailangang patakaran upang matiyak ang kaligtasanng mga mananabong sa Covid-19.

 

Nasa bilyong piso na rin aniya ang naglaho sa gamefowl, feeds industry at veterinary products sector dahil sa pandemya. (REC)

Other News
  • Ads July 16, 2022

  • 7 arestado sa drug buy bust sa Valenzuela

    KULONG ang pitong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Sa report ni PSMS Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisenchristena Jr., dakong alas-2:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel […]

  • 2 alamat sa ‘Apprentice’

    TATASAHAN nina dating Mixed Martial Arts champion Georges St-Pierre ng Canada at jiu-jitsu legend US-based Brazilian Renzo Gracie ang 16 na kandidato sa Episode 2 ng The Apprentice: ONE Championship Edition.     Bantog din sa tawag na ‘GSP’ ang 39 na taong-gulang at may taas na 5-10 na si St-Pierredahil sa pagiging  isa mga […]