• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cone, ‘excited’ na makita ang pagbabalik sa Gin Kings ng ‘nagbagong’ si Slaughter

Ikinatuwa ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang pasya ni big man Greg Slaughter na magpakumbaba at buksang muli ang linya ng komunikasyon sa pagitan nila ng pamunuan ng koponan.

 

Ayon kay Cone, umaasa ito na ang paghingi ng paumanhin ni Slaughter sa liderato ng franchise ay magbibigay-daan para sa mas pinagandang ugnayan sa pagitan ng 7-foot center at sa top management ng Gin Kings.

 

“I’m happy that he is communicating with management and I’m looking forward to him returning to the team,” wika ni Cone.

 

Kamakailan nang maglabas ng statement sa kanyang social media account si Slaughter kung saan inihayag nito ang kanyang intensyon na muling sumali sa Kings matapos na hindi maglaro ng isang buong season nang mapaso ang kanyang kontrata sa Ginebra.

 

“My only regret is that the communication between myself and management, particularly Boss RSA and Coach @alfrancischua, did not go smoothly as I would have wanted. I want to apologize to them and the rest of management for any misunderstanding or bad feelings that may have occurred because of my decision,” bahagi ng post ni Slaughter.

 

Sa kabila rin aniya ng kanyang pagliban, pinanatili ni Slaughter na malusog ang kanyang pangangatawan at tinrabaho niya raw ang kanyang self-improvement.

 

Sinabi ni Cone, excited na rin daw siya na makita ang pagbabago sa paglalaro ni Slaughter.

 

“I know he has worked hard on his game during the pandemic and I’m excited to see the changes,” anang coach.

Other News
  • SCTEX nagtaas ng toll

    NAGBIGAY na ng abiso ang pamunuan ng North Luzon Expressway Corp na siyang namamahala sa SCTEX na magkakaron ng pagtataas ng toll simula ngayon June 1.       Binigyan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagtataas ng go-signal ng 78 centavos kada kilometro. Ang nasabing pagtataas ng toll ay naaayon sa confirmed periodic rate […]

  • Pinas, malapit na sa rice self-sufficiency sa loob ng 2 taon kung ikakasa ang ‘major reorganization’- PBBM

    NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit na ang bansa sa rice self-sufficiency sa loob ng dalawang taon kung ipatutupad ng gobyerno ang  “major reorganization” sa ahensiya nito.     Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at  National Irrigation Administration (NIA) sa […]

  • Kinabog at walang sinabi ang ilang bagets loveteams: CHERRY PIE, kinakiligan ang kakaibang paandar para sa birthday ni EDU

    WALANG sinabi ang ilang mga loveteams sa real-life loveteam nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.   Aba, kinikilig sa kanilang dalawa ang mga netizens.  Very open naman din naman kasi sila at hindi itinago ang relasyon nila even from the beginning.   At ang bagets-bagets ng birthday gift ng actress sa birthday nito. Tatlong klase […]