HVI, laglag sa DDEU-NPD, higit P.7M tobats nasabat
- Published on March 6, 2025
- by Peoples Balita
MAHIGIT P700K halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects na kapwa itinuturing bilang High Value Inidividual (HVI) matapos magbinta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLTCOL Timothy Aniway Jr na ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA at sa tulong ng Valenzuela Police Sub-Station 7 matapos ang natanggap na reklamo hinggil sa umano’y illegal drug activities nina alyas “Eric”, 43, at alyas “Totoy”, 64, kapwa ng Brgy. Bignay.
Nang matanggap ang hudyat mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na buyer na positibo na ang transaksyon, agad pinasok ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora ang isang bahay sa Northville 2, Brgy. Bignay saka dinamba ang mga suspek dakong alas-4:35 ng hapon.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 109 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P741,200.00, buy bust money isang tunay na P500 bill at 23 P500 boodle money at itim na sling bag.
Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa mga suspejk sa piskalya ng Lungsod ng Valenzuela.
Pinuri ni COL. Ligan ang mga operatiba ng DDEU sa kanilang mabilis na pagkilos sa pagbuwag sa isa pang operasyon ng ilegal na droga, na nagpapatibay sa pangako ng NPD na panatilihing ligtas mula sa illegal na droga ang mga komunidad ng CAMANAVA. (Richard Mesa)
-
Nagtapos na summa cum laude sa Psychology course: SHERYL, emosyonal na ipinagmalaki ang anak na si ASHLEY
IPINAGMALAKI ni Kapuso actress Sheryl Cruz sa kanyang Instagram post, ang pagtatapos ng anak niyang si Ashley Bustos. Nagtapos ito na summa cum laude sa Psychology course nito sa San Francisco State University this May. IG caption ni Sheryl: #BestMother’sDayGiftI’veEverHad #LearningthatAshleyisgraduatingSummaCumLaudethisMay2023,#SoProud&BlessedtohaveYouAnak.” Naging emosyonal si Sheryl na hindi makapaniwalang napagtapos ang anak at […]
-
PBBM sa tatlong Duterte na planong tumakbo sa pagka- senador sa Eleksyon 2025: It’s a free country
”IT’S a free country.” Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang kuhanan ng reaksyon kaugnay sa plano nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dalawa nitong mga anak na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Davao City Representative Paolo Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa halalan sa susunod na […]
-
JASON STATHAM ALWAYS KEEN TO DO HIS OWN STUNTS IN “MEG 2: THE TRENCH”, SAYS DIRECTOR
ACTION star Jason Statham loves stunt work. According to Ben Wheatley, director of “Meg 2: The Trench,” Statham is always keen to do as many of his own stunts as possible. Anytime the actor is seen powering a jet ski through the water, that is indeed Statham. Wheatley offers, “Because the physics […]