Slaughter pinagsabihan ni Baldwin
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
BAGO pa magsabi sa Samahang Basketbaol ng Pilipinas (SBP) upang muling makapaglaro sa Gilas Pilipinas, dapat munang tuldukan ang sabit sa Philippine Basketball Association (PBA) mother ballclub, Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings.
Iginiit ito Biyernes ni SBP Program Director Thomas Anthony (Tab) Baldwin kay BGSM free agent Gregory William (Greg) Slaughter na nagbalik na sa bansa ilang araw ang nakalilipas mula sa mahigit kalahating taong training at bakasyon sa Estados Unidos.
Pero maaring nakikipag-ayos naman na ang 32-taong-gulang, may taas na pitong talampakang Fil-Am center.
Sa huling Instagram post niya, nag-goodluck si Slaughter dating kakamping si Japeth Paul Aguilar pa-Clark Freeports and Special Economic Zone bubble na sinagot naman ng huli sana’y muling makasama sila sa pagbabasketbol.
Pagkatulong sa Gin Kings na mapaulo sa trono ng 44th PBA PBA Governors’ Cup nitong Enero, hindi pumirma ng bagong kontrata sa crowd favorite ang higante.
Nag-Tate kaya isinama ni coach Earl Timothy (Tim) Cone sa 15-man lineup ng Ginebra para sa nagbukas na kahapong 45th PBA Philippine Cup 2020 eliminations sa Clark, Angeles City, Pampanga. (REC)
-
Natawa ang aktor nang hiritan kung ‘gipit na gipit’ ba sila: MARIAN, proud na proud sa mga achievement ni DINGDONG
PROUD wifey ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Kasama ito ni Dingdong Dantes sa ginanap na contract signing sa partnership between Dingdong.ph at RiderKo. Ayon sa Instagram post ni Marian, “Cheers to my amazing husband! Your passion and dedication to work is truly inspiring. I am in awe in your hard work and […]
-
PBBM, ipinag-utos ang pagpapaliban sa dagdag pasahe sa LRT-1, LRT-2
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation’s (DOTr) na ipagpaliban ang pagtaas ng pamasahe sa rail lines LRT-1 at LRT-2 “pending a thorough study on the economic impact” sa mga mananakay. Tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa press briefing sa Malakanyang na susunod ang DOTr sa utos ng Pangulo […]
-
Didal yuko sa 13-anyos na karibal
Bigo mang makasama sa isang podium finish ay dapat pa ring ipagmalaki si Margielyn Didal dahil sa pag-entra sa Top Eight sa women’s street skate event sa skateboarding debut sa Olympic Games. Tumapos ang Cebuana skater sa pang-pito sa kanyang iskor na 7.52 sa hanay ng walong finalists na kinabibilangan ng mga 13-anyos […]