• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos matanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC)… Malakanyang kinumpirma pag-aresto kay ex-PRRD

KINUMPIRMA ng Palasyo ng Malakanyang ang pag-aresto kay dating Pangulo Rodrigo Duterte kahapon ng umaga, Martes.

Ito ay matapos matanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), bandang alas-9:20 ng umaga, Martes, March 11, 2025, nang dumating sa bansa ang dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang grupo mula sa Hong Kong sakay ng isang commercial flight.

 

Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan o crime against humanity.

Pagtiyak ng PCO na ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno upang masigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan.

Ang mga opisyal ng PNP na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera upang mapatunayan  ang transparency sa pagsilbi ng warrant of arrest.

Sa ngayon, nasa kustodiya na siya ng mga kinauukulan. (Daris Jose)

Other News
  • AFP nagbigay pugay nang ‘snappiest salute’ sa ex-commander-in-chief kay PNoy

    Pinangunahan ni AFP chief of staff Gen. Cirilito Sobejana ang pagbibigay ng military honor para sa namayapang dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.   Binigyan ng militar ng traditional gun salute ang namayapang dating pangulo sa lahat ng mga kampo ng militar sa buong bansa bilang pagpupugay sa dati nilang […]

  • Nagpapasalamat sa effort ni Angeline na dumalaw: KRIS, nakikipaglaban pa rin kaya ‘di priority ang lovelife

    NAGPAPASALAMAT nang labis-labis si Queen of All Media Kris Aquino sa naging sa effort ni Angeline Quinto na dumalaw sa kanyang bahay sa Amerika, katulad ng ginawa kamakailan ng anak-anak na si Kim Chiu.     Sa Instagram post ni Kris, kasama ang video na mapapanood si Angeline na kinantang muli ang theme song ng […]

  • COVID cases sa Pinas papalo sa kalahating milyon ngayong 2020 – UP experts

    Posibleng pumalo sa 585,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 batay sa taya ng University of the Philippines (UP).   Ito ay makaraang palawigin ng UP COVID-19 Pandemic Response Team ang kanilang projection hanggang sa Dec. 31 ngayong taon.   Maaaring bumaba sa 402,000 ang detected cases ngunit posible rin pumalo sa 767,000. […]