• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naging emosyonal sa naitulong ng musika sa buhay niya: GLAIZA, nananalig kay Lord kung kailan sila magkaka-anak ni DAVID

BIGLANG naging emosyonal ang Kapuso award-winning actress na si Glaiza de Castro sa mediacon ng “Sinagtala: The Movie.”
Iikot ang kuwento sa isang banda na kung saan ang bawat miyembro ng grupo ay may kanya-kanyang pinagdaraanan buhay. Isa rin siya sa natanong kung ano ang naitulong ng musika sa kanyang buhay. “Bukod sa prayers, isa sa mga talagang masasabi kong nagsalba sa akin sa kalungkutan ay musika,” panimula niya. Sandaling napatigil si Glaiza hanggang sa tuluyan nang mapaiyak.
“Bakit ako naiiyak? Sorry, guys, feeling ko lang may PMS (Premenstrual syndrome) ako, so medyo emotional ako. “Kapag pinag-uusapan yung music kasi very significant siya sa akin. Para sa akin, gift talaga yun ni Lord sa akin, sa pamilya ko. Kasi, ano kami, musically-driven na family. “Every time na may struggle, talagang music yung nagpapasaya. Kaya itong pelikula na ito, noong nakita ko…akala ko nga ‘di ko na magagawa, e. Pero in-allow ni Lord na mapasama ako rito,” pahayag ng aktres. Dagdag pa niya, “Noong nagsu-shooting pa lang kami ng pelikula, nag-iiyakan na kami. Hindi ko talaga alam kung ano ang mayroon sa pelikulang ito at bakit ako emosyonal. Ayun nga, dahil siguro maraming elements ang movie na ito na talagang nakaka-relate ako. “Kasi tulad ni Rhian, yung music din talaga is outlet din sa akin. Kumbaga, sobrang grateful ako na sa industriyang ito, talagang nakakagawa ako ng kanta and nase-share ko rin sa followers ko. “Pero hindi talaga ako yung tipo ng tao na bumibirit, e. Ang dami ko ring insecurities pagdating sa boses ko, sa kaya kong gawin. “Pero dahil nga mahilig kami sa pamilyang kumanta, bata pa lang ako ay na-train na akong kumanta, parang feeling ko lang dumating ako sa age na niyakap ko rin yung boses ko.” Say pa ng aktres, “Again, through this film, parang nagkaroon ako ng bagong purpose sa life as a band leader. Wow! Ha-hahaha!” Happy rin si Glaiza sa “Sinagtala” dahil nakatrabaho niya uli ang mga kapwa Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Rayver Cruz, at Matt Lozano, pati na rin ang StarStruck alumna na si Arci Muñoz na first time niyang nakakasama. Inamin din ni Glaiza na dream come true na makatrabaho si Direk Mike Sandejas, “Matagal ko nang gustong makatrabaho. Noong napanood ko yung ‘Tulad ng Dati’ sa Cinemalaya, sabi ko, ‘Uy, astig ‘to, gumawa ng pelikula tungkol sa The Dawn, ‘tapos, musical, may original songs. “Dito, isa sa mga ikina-proud ko rin, mga original song po yung kinanta namin at kami po talaga ang kumanta doon. It’s such a pleasure and a blessing to work with talented musicians who deserve na marinig yung message ng kanta nila,” kuwento pa ni Glaiza. Sure rin daw ang aktres na makaka-relate ang may tropa o barkada sa “Sinagtala”, “Hindi lang doon sa pangarap pati rin sa purpose. Hindi naman natatapos ‘yung mga pangarap natin. “Nu’ng mga bata tayo, gusto lang natin maging artista or astronaut o doktor. Nu’ng naging artista ka na, iba na ‘yung pangarap. Nu’ng nag-asawa ka, nag-iba ulit ‘yung pangarap mo. “Pero ‘yung pangarap na ‘yun ay kaakibat ng purpose. Kung ang pangarap mo ay pangsarili lang, walang fulfillment,” paliwanag ni Glaiza.
Samantala, nananalig naman si Glaiza na kapag gusto na ni Lord na bigyan sila ng anak ni David Rainey ay Siya lang nakakaalam kung kailan darating ang kanilang ‘order’. Kaya patuloy nila itong ipinagdarasal pero sa ngayon ay I-enjoy na muna nila ang isa’t-isa.
Showing na sa lahat ng sinehan ang “Sinagtala” simula sa April 2, 2025, under Sinagtala Productions.
***

MTRCB at NCCT, muling lumagda ng kasunduan para sa pagsusulong ng Responsableng Panonood at Makabatang Programa sa Telebisyon

MULING pinagtibay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at National Council for Children’s Television (NCCT) ang kanilang pagtutulungan nitong Miyerkules, Marso 12, matapos nilang lagdaan ang panibagong Memorandum of Agreement (MOA) na magsusulong sa responsableng panonood at makabatang programa sa telebisyon.

Layunin ng MOA na makapagbalangkas ng kooperasyon at kolaborasyon sa pagitan ng MTRCB at NCCT upang mai-angkla sa mga programa ng dalawang ahensya gaya ng Responsableng Panonood (RP) ng MTRCB at Media and Information Literacy Education services (MILES) ng NCCT para maprotektahan ang kabataang Pilipino laban sa mga mapanganib na palabas.

Sa kanyang mensahe, nagpasasalamat si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa NCCT sa patuloy nitong “pagsuporta sa mga programa ng ahensya.”

“Ang MTRCB at NCCT ay matagal nang nagtutulungan para sa parehong layunin–ang maprotektahan ang kabataang Pilipino laban sa mga mapanganib na content,” sabi ni Sotto-Antonio. “Ang kasunduang ito ay sumasalamin sa ating dedikasyon na maisulong ang responsableng panonood at ligtas na panoorin.”

Sinabi naman ni NCCT Executive Director III Desideria Atienza na ang MOA ay hindi lamang pormalidad kundi isang pangako tungo sa pagbuo ng ligtas na media para sa Pilipino.

“Kasama ang MTRCB, tayo ay kikilos upang maiangat ang kalidad ng mga pambatang palabas at matiyak na ang mga napapanood ng bawat bata ay nakakatulong sa paglinang ng kanilang kakayahan,” sabi ni Atienza. “Kami sa NCCT ay naniniwala na sa pamamagitan ng tama at angkop na palabas, mahuhubog natin nang tama ang kaisipan ng bawat bata na may malaking benepisyo hindi lang sa susunod na henerasyon kundi sa ating lipunan.”

Ang kolaborasyon ng dalawang ahensya ay nagpapakita sa matibay na misyon ng gobyerno na mapalakas ang kampanya sa responsableng panonood at ligtas na paggamit ng media.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • P20/kilo ng bigas, hindi pa posible sa ngayon – DA chief

    AMINADO ang bagong talagang Kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi pa posibleng ngayon na maibaba ang presyo ng bigas sa ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong kampanya na P20 kada kilo.     Subalit hangad pa rin aniya ng ahensiya na maibaba ang presyo ng […]

  • Army Dragon Warriors, humakot ng mga parangal sa 1st leg ng PH Dragon Boat Federation Regatta

    ITINANGHAL na over-all champion ang Philippine Army Dragon Warriors sa 1st leg ng Philippine Dragon Boat Federation Regatta matapos hakutin ang unang pwesto sa tatlong kategorya.     Isinagawa ang torneo sa prestihiyosong Manila Bay noong Marso 27 ng taong kasalukuyan matapos itong maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.     Ayon kay […]

  • Halos 13k katao apektado ng lindol sa Abra

    LALO pang dumami ang mga naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol mula sa hilagang bahagi ng Luzon, bagay na nag-iwan na ng apat na patay at mahigit isang daang sugatan.     Ito ang pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) patungkol sa pagyanig nitong Miyerkules na siyang nagmula sa epicenter na […]