• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon LGU, inilabas ang pangalawang ayuda para sa 2025

INILABAS ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon nitong Lunes, ang pangalawang bahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Malabon Ahon Blue Card (MABC) para sa taong 2025, sa pangakong magbigay ng agaran at napapanahong tulong sa mga Malabueño.
Ito ang magiging ika-10 tranche ng tulong mula nang ilunsad ang programa ng MABC noong 2022.
Ayon sa Monitoring, Evaluation, Accountability, and Learning (MEAL) Office, may kabuuang 86,674 (MABC) holder ang kwalipikado bilang na bahagi ng unang batch ng mga benepisyaryo na tatanggap ng pangalawang ayuda.
“Good news po para sa mga Malabueño! Matapos ang pamamahagi ng unang ayuda noong nakaraamg buwan ay pwede niyo pong i-claim ang ikalawang ayuda para sa taong 2025. Ito po ay bahagi ng ating pagpapatupad ng ating mga pangako at layunin. Marami na tayong naipatupad at nailapit na mga programang para sa pagbabago at pag-unlad. Ipagpapatuloy po natin ang mga ito at mas pagbubitihin para sa mas maayos at mas magandang buhay para sa bawat Malabueño,” pahayag ni Mayor Jeannie Sandoval.
Sinabi ng MEAL na ang mga may hawak ng MABC ay makakatanggap ng text message mula sa Universal Storefront Services Corporation (USSC) bago nila i-claim ang kanilang cash assistance. Ang link na may listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ay naka-post din sa MABC Facebook page.
Ang mga residente ay maaaring mag-withdraw ng kanilang cash aid sa anumang BancNet-powered ATM o sa alinmang sangay ng USSC sa buong bansa simula Marso 17.
Hinikayat din ng pamahalaang lungsod ang mga Malabueño na direktang gamitin ang kanilang MABC bilang mga debit card kapag bumibili ng pagkain, groceries, o iba pang mga bagay sa mga tindahan na may point-of-sale (POS) device para sa kanilang kaginhawahan.
Pinaalalahanan din nito ang mga residente na alagaan ang kanilang mga MABC at agad na i-report kung sakaling nawala o nasira ang card sa USSC o sa opisina ng MABC sa ika-4 na palapag ng Malabon City Hall.
“Ikalawang ayuda na para sa taong ito ang ating nasimulang ipamahagi at dapat abangang ng mga Malabueño ang mga susunod pa. Dahil ang pagkakaisa, bayanihan, at pagtulong ay buhay sa ating puso at diwa bilang mga Malabueño. Naririto lamang po ang pamahalaang lungsod upang tumulong sa inyo,” sabi ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)
Other News
  • Mr. M, happy and certified Kapuso na at magiging consultant ng GMA Artist Center

    ISANG big welcome ang binigay kay Mr. M (Johnny Manahan) kahapon, July 13 sa naganap na online contract signing sa GMA Network.      Doon nga nalaman kung ano talaga ang magiging position nila sa network, at tulad ng balita magiging consultant siya sa GMA Artist Center para maka-develop ng new breed of GMA artists. […]

  • WBA nag-sorry, ‘Champion for Life’ award igagawad kay Pacquiao

    Humingi na nang paumanhin ang World Boxing Association (WBA) kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao matapos na bawiin ang kaniyang boxing belt dahil sa hindi pagiging aktibo sa boxing.     Sinabi ni WBA President Gilbert Mendoz na nagkaroon lamang sila ng kalituhan tungkol sa “super” WBA welterweight title.     Kasabay din nito ay […]

  • EDITORIAL P100 per day na wage hike sa Metro Manila inihain ng grupo ng mga manggagawa

    NAGHAIN ng petisyon ang mga labor groups para sa P100 arawang dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).     Ang workers’ organizations ay pinangungunahan ng Kapatiran ng mga Unyon at Samahang Manggagawa.     Sinabi ni Kapatiran chairman Rey Almendras na inihain nila ang […]