• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghahanda para sa Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte, puspusan na

PUSPUSAN na ang paghahanda para sa gaganaping Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte, ayon sa pahayag ng lalawigan nitong Huwebes.

Ibinida ni Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc na handa na ang probinsya na magbigay ng isang hindi malilimutang karanasan para sa 15,000 na inaasahang kalahok kabilang ang mga atleta, coach, at mga opisyal.

Nakipag-ugnayan na rin ang pamahalaang panlalawigan sa Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) at PrimeWater upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa mga apektadong lugar habang ang Ilocos Norte Provincial Police Office ay nagdagdag ng mga tauhan para sa seguridad at nakapagbuo ng isang scheme para sa daloy ng trapiko.

Dagdag nito na halos lahat ng lugar ng kompetisyon at mga tutuluyan ay naihanda narin.

Ang Ilocos Norte Tourism Office naman ay nagsimula na ring maghanap ng mga residential house sa probinsya na maaaring gawing homestay para sa mga delegado kung saan may maayos na mga silid, tubig, kuryente, banyo, at kusina. Hinihintay na lang nila aniya ang barangay clearance.

Ang Palarong Pambansa 2025 ay gaganapin mula Mayo 24 at at matatapos ng Hunyo 2, 2025.

Sa kabilang banda mayroong 289 na akreditadong mga tourism service provider ang nasa probinsya.

Hinihikayat naman ni Gobernador Manotoc ang mga residente ng Ilocos na magbukas ng kanilang mga bahay upang maranasan ng mga bibisita sa lugar ang mainit na hospitality ng mga Ilocano.

Samantala, nagsagawa na rin ng mga detalyadong inspeksyon ng mga billeting centers ang engineering at sports development offices upang matiyak ang kaligtasan at ng mga atleta at iba pang delegado.

Other News
  • MINIMUM WAGE SA CALABARZON

    ITINAAS na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Calabarzon ang  sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor mula P35 hanggang P50, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Huwebes.     Sa board Wage Order No. IVA-20 na may petsang  Sept. 1 , ang daily minimum wages sa sumusunod na […]

  • Masigla at punum-puno ng energy kahit senior citizen na: VILMA, ipinagmamalaki at suportado ang ‘Barako Festival’ ng Lipa, Batangas

    ISANG punum-puno ng sigla ang dinatnam naming Vilma Santos nang maimbitahan kami sa 3rd Barako Fest na ginanap sa Lipa City, Batangas. Very energetic at talaga namang hindi mo makikita sa Star for All Seasons na isa na isa na siyang senior citizen. Kaya may mga nagmamahal sa premyadong aktress ba nagwo-worry sa health niya. […]

  • Ads August 25, 2021