• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAGONG TANGGAPAN NG  ABP PARTYLIST, BINUKSAN

BAGONG TANGGAPAN NG  ABP PARTYLIST, BINUKSAN

 

BINUKSAN at binasbasan  nitong Biyernes, Marso 21  ang punong tanggapan ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist sa JW Diokno Boulevard, Pasay City.

Nanguna sa inagurasyon sa kaniang tanggapan ang unang nominado na si Dr. Jose Antonio Ejerrcito “Ka Pep” Goitia kasama  kasama ang iba pang mga nominado na sina Leninsky Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Alfonso Goitia, Carl Gene Moreno Plantado, at Howie Quimzon Manga.

Dinaluhan din ang pagtitipon ang iba’t ibang personalidad sa politika at sektor kabilang si dating Laguna Governor na si ER Ejercito na tumatakbong kandidato sa pagka Mayor sa Laguna at mga anak na si Maria Guaddalupe “Jhulia” at Jorge Antonio Genaro “Jerico” na pawang nagpahayag ng suporta sa ABP Partylist na hinulaan na makakakuha ng tatlong milyong boto sa Laguna.

Kabilang din sa mga sumuporta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY-Movement), People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Liga Independencia Pilipinas (LIPI),  Isang Bansang Pilipinas (IBP) at ang Kapisanan ng Mamamayang Pilipino (KAMPIL).

Matatandaan na  mula sa ika-14 na puwesto noong Pebrero, umakyat ang ABP Partylist sa ika-12  posisyon, kung saan tumaas ang voter preference nito mula 1.68% patungong 2%  ngayong Marso.

“Narito kami upang ipaglaban ang ating matatapang na bumbero at unang tumutugon, na mga fire rescuers at volunteers   na araw-araw na isinasaalang-alang ang kanilang buhay para sa kaligtasan ng iba. Misyon naming tiyakin na matatanggap nila ang pagkilala, suporta, at mga mapagkukunan na nararapat sa kanila,” ayon kay Dr. Goitia.

Kabilang sa kanilang mga agenda ay Firefighters’ Welfare and Benefits Act; Fire Equipment Modernization Bill at  Community-Based Fire Prevention Program.

Makakikipagtulungan din  ang ABP sa mga lokal na pamahalaan, pribadong organisasyon, at pandaigdigang kasosyo upang palakasin ang kakayahan sa pagtugon sa emergncies at pagpapalaganap ng kaalaman sa pag-iwas sa sunog. (Gene Adsuara)

 

Sent from my iPhone
Other News
  • Ads June 1, 2023

  • Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, GOCCs

    INANUNSYO ng Presidential Communications Office (PCO) ang pinakabagong  appointments sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at government-owned and -controlled corporations.     Kasama sa mga bagong appointees sina:   Department of Agriculture Genevieve E. Velicaria-Guevarra, Assistant Secretary Celso C. Olido, Director III Maria Melba B. Wee, Director III   Philippine Rubber Research Institute Cheryll L. […]

  • PBBM, itinalaga si dating DFA Sec. Locsin bilang special envoy to China for special concerns

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating  foreign affairs Secretary  bilang kanyang special envoy to the People’s Republic of China for Special Concerns.     Inanunsyo ito ng Presidential Communications Office (PCO) sa social media page nito.     Hindi naman malinaw kung ano ang saklaw ng special concerns.     Matatandaang, buwan ng […]