Guiness World Record para sa Longest Line of Bowls of Noodles, nasungkit ng Malabon
- Published on March 24, 2025
- by people's balita
NASUNGKIT ng Lungsod ng Malabon ang Guiness World Record para sa may pinakamahabang linya ng mangkok ng noodles nang maitala ang 6,549 mangkok na naglalaman ng bantog na Pancit Malabon.
Mismong si Mayor Jeannie Sandoval ay nakibahagi sa preparasyon sa paglalagay ng Pancit Malabon sa mga mangkok na naglalaman ng minimum na 100 gramo ng luto ng noodles hanggang sa maayos na pagpupwesto ng mga ito sa mesa upang masigurong magtatagpo ang magkabilang dulo ng linya na sinimulan pasado alas-11 ng tanghali na ginanap sa Malabon Sports Complex, noong Marso 21, 2025.
Ang kaganapan ay nilahukan ng 12-bantog na mga panciteria sa lungsod na may kanya-kanyang paraan ng pagluluto ng Pancit Malabon na dinarayo ng kanilang mga parokyano.
Ayon kay Mayor Jeannie, nilagpasan nila ang hawak na rekord ng Jinshi Beef and Rice Noodles Association ng China na mayroon lamang 3,988 na linya ng mga mangkok ng noodles.
Sinabi pa niya na hindi lamang ang pagsungkit sa bagong rekord ang kanilang ipinagdiriwang kundi higit ang kanilang mayamang kultura, bantog na mga pagkain, at ang walang hangganang pagtutulungan at bayanihan na sumisimbulo at tumutukoy kung ano ang Malabon.
“Nais din po nating maitala ang Malabon sa mapa ng buong mundo bilang isang lungsod na mayaman sa sining ng pagluluto at nagawa po natin yan ngayong araw,” ani Mayora Sandoval.
Noon pa man ay bantog na, hindi lang sa mga karating lungsod at lalawigan ang Pancit Malabon kundi sa buong kapuluan, na dahilan ng pagdami ng mga panciteriang nagbebenta ng ganitong uri ng pagkaing na may mga sangkap na malalaki o maliliit na noodles, hinimay na tinapa, chicharon, red palm oil, kropek, paminta, fish sauce pusit, hipon, at kalamansi.
Pinangasiwaan ni Guiness adjudicator Sonia Ushirogochi ang naturang kaganapan na kanyang masusing sinuri ang mga pamamaraan at paghahanda bago kumpirmahin ang tamang bilang ng linya ng mga mangkok. (Richard Mesa)
-
8.3% GDP growth rate sa Q1 2022, artipisyal, walang halaga kung walang wage hike – Gabriela Partylist
HINDI umano nangangahulugan na naging ekselente ang economic management ng gobyerno sa mataas na gross domestic product (GDP) growth rate ng bansa sa unang bahagi ng taon. Ayon sa Gabriela Partylist, ang pagtaas sa gdp ay dala na rin sa private consumption at election spending na isa umanong artipisyal ang pagtaas. […]
-
ANDRES, kinatuwaan ng netizens dahil mas guwapo kay AGA
IBINAHAGI ni Charlene Gonzalez – Muhlach ang latest update sa kanilang twins ni Aga Muhlach na sina Andres at Atasha. Kasama ang mga stolen photos ni Andres na hinangaan ng netizens dahil totoo namang nakapaka-guwapo nito, na pwedeng maging next matinee idol kung papasukin niya ang showbiz industry. Caption ni Charlene, “flooding my […]
-
Nag-celebrate ng 10th anniversary sa Thailand… Say ni KATHRYN kay DANIEL, ‘true love exists… someone like you still do exist’
NAG-CELEBRATE ang reel and real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng kanilang 10th anniversary last May 25, at sa bansang Thailand sila magkasamang nagdiwang. Last week pa pala nagpunta ng Bangkok si Kathryn kasama si Alora Sasam na isa sa BFF at sumunod na lang Daniel noong Lunes, May […]