PNP hinikayat na magsagawa ng mental fitness sa mga recruits
- Published on March 24, 2025
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng mga mambabatas ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng mental fitness check sa mga personnel nito kasunod na rin sa ipinakitang galit ng isang pulis nito kaugnay sa pagkaka-aresto ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Umapela rin sina House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong, chairman ng Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims’
Compensation, at Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union sa PNP na palakasin ang recruitment process nitio.
Ang suhestiyon ay ginawa ng mga mambabatas kasunod na rin sa ulat ng lumabas na vlogs ni Pat. Steve Francis Fontillas ng Quezon City Police District (QCPD).
“Kasi kailangan talaga ‘yung I think the PNP has to make a very strong measure in determining the psychological capacity of all the recruits. Kasi of course bibigyan mo ‘yan ng baril, bibigyan mo siya ng responsibility,” ani Adiong.
Kaisa sa pahayag ng kasamahang Kaisa sa pahayag ng kasamahang mambabatasm sinabi naman ni Ortega na ang PNP, National Police Commission, at maging ang Armed Forces of the Philippines at iba pang kahalintuald na ahensiya na ikunsidera, bukod sa physical fitness ng mga recruits ang kanilang mental fitness.
“Nandyan naman na yung Napolcom eh… siguro it’s in within their best interest na sila naman po ‘yung nakatutok na rin po diyan, and sabi nga po natin yung may recruitment po dyan, Sabi ko nga, usually kasi po dyan ‘yung matibay po saka nakaka-last sa physical exam, nakaka-endure po dun sa physical side ng pagiging parte po ng kapulisan o ano man, Armed Forces,” ani Ortega.
Kinasuhan na ng QCPD ng administratibo si Fontillas. (Vina de Guzman)
-
Pacquiao vs Ugas: ‘We’re going to give a big gift to the fans’
Nagkaharap-harap sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng virtual press conference sina Sen. Manny Pacquiao at ang bagong makakalaban sa welterweight championship na si Yordenis Ugas. Ayon sa eight-division world champion, excited na rin siya na makaharap si Ugas dahil championship pa rin naman ang kanilang paglalabanan. Kung maalala una nang naasar […]
-
Serbisyong pangkalusugan gawing digital – Citizen Watch Philippines
Nanawagan ang isang consumer group para sa digital transformation ng health care sector upang mapunan ang malaking patlang sa paghahatid ng medical services sa mga mamamayang Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sa isang pahayag, sinabi ng Citizen Watch Philippines na ang “digital transformation” o ang paglipat sa online ng mga serbisyong pangkalusugan ng Philippine […]
-
Cartographic sketch ng killer ng radio anchor inilabas ng PNP
INILABAS na ng Philippine National Police (PNP) ang cartographic sketch ng isa sa mga salarin na responsable sa pamamaril at pagkakapatay sa radio anchor na si Juan Jumalon alyas “Johnny Walker” sa Calamba, Misamis Occidental kamakalawa. Sa press briefing sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, sinabi ni PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda […]