• March 31, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guiness World Record para sa Longest Line of Bowls of Noodles, nasungkit ng Malabon

NASUNGKIT ng Lungsod ng Malabon ang Guiness World Record para sa may pinakamahabang linya ng mangkok ng noodles nang maitala ang 6,549 mangkok na naglalaman ng bantog na Pancit Malabon.

Mismong si Mayor Jeannie Sandoval ay nakibahagi sa preparasyon sa paglalagay ng Pancit Malabon sa mga mangkok na naglalaman ng minimum na 100 gramo ng luto ng noodles hanggang sa maayos na pagpupwesto ng mga ito sa mesa upang masigurong magtatagpo ang magkabilang dulo ng linya na sinimulan pasado alas-11 ng tanghali na ginanap sa Malabon Sports Complex, noong Marso 21, 2025.

Ang kaganapan ay nilahukan ng 12-bantog na mga panciteria sa lungsod na may kanya-kanyang paraan ng pagluluto ng Pancit Malabon na dinarayo ng kanilang mga parokyano.

Ayon kay Mayor Jeannie, nilagpasan nila ang hawak na rekord ng Jinshi Beef and Rice Noodles Association ng China na mayroon lamang 3,988 na linya ng mga mangkok ng noodles.

Sinabi pa niya na hindi lamang ang pagsungkit sa bagong rekord ang kanilang ipinagdiriwang kundi higit ang kanilang mayamang kultura, bantog na mga pagkain, at ang walang hangganang pagtutulungan at bayanihan na sumisimbulo at tumutukoy kung ano ang Malabon.

“Nais din po nating maitala ang Malabon sa mapa ng buong mundo bilang isang lungsod na mayaman sa sining ng pagluluto at nagawa po natin yan ngayong araw,” ani Mayora Sandoval.

Noon pa man ay bantog na, hindi lang sa mga karating lungsod at lalawigan ang Pancit Malabon kundi sa buong kapuluan, na dahilan ng pagdami ng mga panciteriang nagbebenta ng ganitong uri ng pagkaing na may mga sangkap na malalaki o maliliit na noodles, hinimay na tinapa, chicharon, red palm oil, kropek, paminta, fish sauce pusit, hipon, at kalamansi.

Pinangasiwaan ni Guiness adjudicator Sonia Ushirogochi ang naturang kaganapan na kanyang masusing sinuri ang mga pamamaraan at paghahanda bago kumpirmahin ang tamang bilang ng linya ng mga mangkok. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘BIDA’ fun run ng DILG, umarangkada

    UMARANGKADA  na ang “Buhay ­Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) Bayanihan ng Mamamayan’ fun run na inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Mall of Asia (MOA) grounds sa Pasay City.   Mismong si Interior Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang nanguna sa isang aktibidad na nilahukan ng libu-libong runners mula sa iba’t […]

  • After na dalhin ng Globe sa ‘Pinas si Kim Seon Ho… ‘Tomorrow’ star na si RO WOON, magkakaroon ng exclusive KmmunityPh Fan Meet

    LAST month we’ve celebrated all things hallyu at the Kamsahamnida Festival, and got thrilled by Kim Seon Ho at his debut as KmmunityPH ambassador       Ngayon, humanda na for more excitement as Globe’s ultimate K-culture community continues para sa third anniversary celebration with another special surprise, ang actor na si RO WOON na […]

  • CLAUDINE, ipinagtatanggol pa rin si JULIA kahit masama ang loob

    SA virtual presscon ng Deception, ang comeback movie ni Optimum Star Claudine Barretto, hindi naiwasang tanungin ang aktres sa ‘paglamlam ng career’ ng kanyang pamangkin na si Julia Barreto.     Kahit na masama pa rin ang loob niya kay Julia dahil mga nangyari sa kanilang pamilya, nakuha pa rin niya itong ipagtanggol.     […]