• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Puntiryang 10 million COVID 19 test, kayang makuha sa loob ng 1st quarter ng 2021

KUMPIYANSA ang gobyerno na kaya nitong abutin ang 10 milyong target na COVID 19 test sa first quarter ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni Testing czar at Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, halos nasa 7 milyon na ang sumalang sa COVID test at base sa kanilang pagtaya ay kaya namang makuha ang 10 million target test.

Sigurado  aniya siyang darami pa ang mga datos ng mga isinasagawang testing ngayong tapos na ang holiday season na bahagyang bumagal dahil na rin sa nagdaang break.

“Ang last na lang po sa testing, nasabi na rin po ni Spox Harry, nasa 6.83 million na po ang test natin, halos 7 million na tayo and very confident po tayo na maaabot na natin sa loob ng first quarter ng 2021 ang sampung milyong target nating testsj na tinarget natin noong nakaraang taon,” ayon kay Dizon.

“Okay, sa mga laboratoryo naman po at kasama po natin ngayon ang ating Testing Czar, mayroon na po tayong 199 labs. Accumulative number of tests conducted po ay nasa 6,822,163 – tumaas po ito ng five percent; ang ating positivity rate po ay 8.4%, pero ang 7-day average po natin ay 21.675 or 35%, ” dagdag na pahayag nito.

Malaki rin ani Dizon ang magagawa ng kaka- apruba lang na pooled testing para mapa- akyat pang lalo ang mga sumasalang sa COVID test sa mga susunod na araw.

Bukod pa dito ayon sa testing czar ang hinihintay na lang na approval para maikasa na din ang pagsasagawa sa bansa ng Saliva test na bukod sa hindi masakit ay abot kaya pa ang halaga.

“Tuluy-tuloy pa rin po tayo sa mataas na testing natin at pipilitin pa nating pataasin iyan lalo na ngayon na approved na ang pooled testing at hopefully, sa mga susunod na araw at linggo, maa-approve na rin ang saliva test,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Fernando, nanguna sa paglaban kontra vote buying sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paglulunsad ng multi-sectoral anti-vote buying campaign sa Lalawigan ng Bulacan ngayong araw upang makatulong sa pagsugpo ng pamimili ng boto at masiguro ang maayos, mapayapa, patas at inklusibong halalan sa darating na nasyunal at lokal na botohan sa Mayo 9, 2022.     Tinawag […]

  • Pagkakaisa, pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko

    Sinabi ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino para mapaunlad ang bansa ang pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko.     Ani Marcos, ang pina­kahuling pagbisita niya sa Cebu kamakailan, kasama ang running mate na si vice-presidential bet Mayor Inday Sara Duterte kung saan ay mainit silang sinalubong ng libu-libong supporters […]

  • May explanation ang ‘Magandang Dilag’… HERLENE, minsan nang na-late sa taping pero ‘di na naulit

    NAKAKAKUHA ng mataas na rating na 11.3 percent last July 26, ang GMA Afternoon drama series na “Magandang Dilag” na nagtatampok kina Herlene Budol, Rob Gomez at Benjamin Alves.      Kaya naman labis ang pasasalamat ni Herlene sa mga viewers ng serye, nang ma-interview siya ni Kuya Kim Atienza sa programa nitong “Dapat Alam […]