Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Unang bahagi)
- Published on January 9, 2021
- by @peoplesbalita
MATAGAL-TAGAL na ring kilala ng TP si Adi delos Reyes.
Isang mahusay na race organizer sa ilalim ng kumpanya niyang Eventologist Compnay na nakabase sa Metro Manila.
Maginoo, mahinahon, mabait, marunong makisama. Kaya hindi ko mapahindian ang paghingi niya ng tulong sa isa naming pag-uusap sa FaceBook messenger kamakailan.
Pero bago siya naging mahusay na race organizer/director (road, vertical at trail), minsan siyang naging top salesman ng Rubberworld, Adidas at Accel.
Siya rin ang nasa likod ng sports brand na Champion at nakapagdaos na rin ng vertical runs at 3×3 basketball event.
Noong Enero 2020, nagbasketbol ang nag-iisang 20-anyos na anak niyang lalaki na si Andrew Joshua delos Reyes sa kalapit na village nila sa San Mateo, Rizal at nagpalipas ng gabi sa pagbi-video games sa isang lugar na malapit sa bahay ng kaibigan at kalaro sa basketbol.
Ni-raid ng mga pulis ang bahay, naghahanap ng droga, hindi natiyempuhan ang may ari ng bahay nang mga sandaling iyon.
Mga dismayado, umaresto na lang ang mga awtoridad ng kahit na sino, kabilang si Andrew Joshua at dinala’t kinulong sa San Mateo jail.
Gulantang ang pamilya ni Adi, kinasuhan pa ang anak ng pag-iingat umano ng kalahating kilo ng marijuana nang walang basehan.
Maraming sablay sa police blotter na hindi maipaliwanag sa pamilya Delos Reyes.
“Lumaki ang ang anak ko sa sports at medical family. Maraming mali sa police report na hindi nila maipaliwanag,” hinaing ni Adi.
Sana masilip po ito ng mga nakatataas diyan sa bayan o lalawigan.
Dalangin ng OD na makuha ni Adi ang katarungan para sa kanyang anak.
Isa lang ito sa nakakalungkot na gawain ng ilang pulis, (REC)
-
ELLEN, nagsalita na at nagpaliwanag sa isyu nang pagwo-walkout sa taping ng ‘John en Ellen’
NAGSALITA na nga si Ellen Adarna tungkol sa isyu nang pagwo-walkout diumano sa last taping day ng sitcom nila ni John Estrada sa TV5, ang John en Ellen. Na-imbiyerna daw ang buong production ng sitcom dahil bigla na lang daw umalis si Ellen ng taping sa Laiya, Batangas, kaya hindi raw natapos ang […]
-
Trillanes, sinopla ni Roque
vMARAMING mga Filipino ang patuloy na nagtitiwala at nasisiyahan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang tugon sa sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV na bumababa na ang approval rating ni Pangulong Duterte sa Luzon, batay sa isang survey na isinagawa ng Magdalo group. “Hindi […]
-
Educational assistance program ng Manila LGU, natanggap na ng unang batch
TINATAYANG nasa mahigit 600 benepisyaryo ang nabiyayaan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ng kanilang educational assistance program ngayong araw. Pinangunahan ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, kasama si MDSW Director Ma. Asuncion “Re” Fugoso, ang paggawad ng tig-P5,000 educational assistance sa 674 […]