• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Espiritu aminadong umaalingasaw trade

INAMIN ng tatlong agent-manager ng mga player na bukas lahat ang 12 team sa mga palitan ng mga manlalaro bilang pagpapalakas para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.

 

Nagkakaisa sa pahayag sina veteran agent-manager Danny Espiritu, Charlie Dy, at Ed Fonceja ,na anila’y lahat ng mga koponan ay naghahanap ng mga kailangang talent  at kalidad sa puwesto para punan ang mga pangangailangan.

 

“Yes, may mga nagpapahanap na sa amin sa kulang nilang player sa team. Sa ngayon, kung wala talagang makuha doon sa mga nasa free agent, saka kami maghahanap sa mga hindi nagagamit sa ibang teams kung pupuwede naming na mai-negotiate sa isang trade,” bulalas ni Espiritu, ang pinakamaraming hawak na basketbolista at nasa 33 taon na sa larangan.

 

Kaya lang idinagdag niyang  inaasahan pa ang pagsusulputan ng swap ng cagers bago o matapos ang 36th PBA Rookie Draft sa Marso 24, na ang deadline ng aplikasyon para rito ay Enero 27.

 

Inalis na ng PBA ang trade suspension na sinimulan sa nagdaangtaon hanggang January 4 ng taong ito dahil sa Coronavirus Disease 2019.

 

Ang huling naganap na palitan ay kinatampukan sa pagbagsak ni John Paul Erram sa Talk ‘N Text buhat sa North Luzon Expressway sangkot ang Blackwater. (REC)

Other News
  • “No vax, no ride” polisia ng DOTr di na ipapatupad

    Simula kahapon, ang “No vax, no ride” na polisia ng Department of Transportation ay hindi na pinatutupad sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila dahil bumalik na sa Alert Level 2 ang national capital region (NCR).       Ayon sa DOTr, ang “no vax, no ride” na polisia ay hindi permanenting ipatutupad sa NCR […]

  • Panalo ni Mayor Lacuna Kasabay ng Ika-450 Taong Araw ng Maynila

    KASABAY ng pagdiriwang ng ika-450 taon anibersaryo ng pagkakatatag sa lungsod ng Maynila ay ang pag-upo ng kauna-unahang babae at doktor na Alkalde sa kabisera ng bansa.     Si Vice Mayor at Mayor elect Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, na kauna-unahang babae at doktor na Alkalde sa lungsod ng Maynila ay magsisimulang manungkulan sa […]

  • “SPIDER-MAN: ACROSS THE SPIDER-VERSE” DROPS NEW POSTER

    COLUMBIA Pictures has unveiled the official poster for Spider-Man: Across the Spider-Verse which shows an upside down Miles Morales flanked by a multitude of Spider-People.     Check out the poster below and watch Spider-Man: Across the Spider-Verse in Philippine cinemas June 2023.       [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/m-aC_4-kAmY]     About Spider-Man: Across the Spider-Verse     Miles […]