• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

11 sangkot sa Dacera case, pipigain ng NBI

Isasalang ngayong araw sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation ang 11 personalidad na isinasangkot sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City.

 

Ito ay makaraang matukoy ng NBI ang pagkakakilanlan sa 11 katao na pinadalhan na nila ng subpoena, na huling nakasama ni Dacera at maging ang mga tumuloy sa Room 2207 ng City Garden Grand Hotel.

 

Sinabi ni NBI spokesman Dep. Director Ferdinand Lavin, na bibigyan nila ng pagkakataon ang mga ipinatawag na indibiduwal na ibigay ang panig sa kaso ni Dacera na natagpuang patay sa bathtub ng hotel noong New Year’s Day matapos ang kanilang inuman at kasiyahan.“Kung gusto niyong makipagtulungan sa NBI, meron kayong kaalaman, you want to clear your names, you can come here with your lawyers. We rest assure you that we will handle the investigation as professionally as we could get,” ayon kay Lavin.

 

Tumanggi naman ang NBI na ibigay ang pagkakakilanlan sa naturang mga indibiduwal para maiwasan na mahusgahan agad ng publiko lalo na sa social media.

 

Inaasahan na magtutungo sa NBI ang mga ipinatawag na personalidad para ibigay ang kanilang testimonya at bersyon ng kanilang istorya kung ano ang tunay na nangyari bago natagpuang wala nang buhay si Dacera sa kanilang ginawang New Year’s party. (ARA ROMERO)

Other News
  • Ravena inalok na maglaro sa liga ng Japan – Guiao

    Ibinunyag ni NLEX head coach Yeng Guiao na inalok ang kanilang point-guard na si Kiefer Ravena na maglaro ng basketball sa Japan.     Sinabi nito na nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ni Ravena noong Disyembre tungkol sa nasabing alok.   Dagdag pa nito na makailang beses na siyang kinausap ni Kiefer tungkol sa offer. […]

  • Ads August 25, 2023

  • Ads March 9, 2021