VP Leni, tablado sa Malakanyang
- Published on January 12, 2021
- by @peoplesbalita
TABLADO sa Malakanyang si Vice-President Leni Robredo nang imungkahi nito sa pamahalaan na maglatag ng communication plan para mahikayat ang mga filipino na magpabakuna laban sa COVID-19.
Ito’y matapos lumabas sa isang survey na maraming Pilipino pa rin ang duda tungkol sa bakuna.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na matagal ng mayroon at kasalukuyan nang ginagawa ng pamahalaan ang communication plan na iminumungkahi pa lamang ng bise-presidente.
Ang sagot naman ni Dr. Ma. Luningning Elio- Villa, Medical Director at Faberco Life Sciences, Inc, sa iminungkahi ni VP Leni ay ” I understand na gagawin naman po ng Department of Health yan together with the medical specialist and experts. So, sama-sama. I understand.. it’s already wthin the government plan.”
Sinusugan naman ito ni Sec. Roque sabay sabing, “sinagot na po kayo ni Dra. madam President. Iyong suhestiyon ninyo po, ginagawa na po ng gobyerno. In fact, lahat po ng dini-discuss natin dito sa press briefing natin .. kabahagi po iyan ng communication plan. Kinakalat po ng ating mga kalaban na matakot dapat sa mga vaccine ng Tsino, na kinakailangan Western brands lang. Kaya pinapakita po natin na ang Tsino po eh dumaan sa clinical trials sa iba’t ibang bansa at least. 91.5% ang efficacy rate po ng Sinovac. Kabahagi po iyan sa plano. Kung wala pong plano eh hindi ganito ang nangyayari sa ating mga press briefing.”
Pinasalamatan din ni Sec. Roque si Dra. Luningning sa pagsagot kay VP Leni.
“Siguro naman ho dahil doktora kayo.Hindi na niya idi-dispute yan,” giit ni Sec. Roque.
Sa ulat, sinabi ni VP Leni na dapat maipaalam sa publiko ang mga benepisyong makukuha sa pagpapabakuna.
Ang mga isyu sa Dengvaxia at iba pa ang dahilan kung bakit nadudungisan ang imahe at mahina ang tiwala ng publiko sa COVID-19 immunization program.
Binigyang-diin ni VP Leni na kailangang patunayan ng mga lider na hindi dapat katakutan ang mga bakuna.
Hinimok din ng Bise Presidente ang mga pribadong kumpanya na mag-invest sa pagpapabakuna sa kanilang mga empleyado. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Bulacan, umangat sa ikawalong pwesto bilang Most Competitive Province
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang patunay sa pagsisikap nito tungo sa pag-unlad at dedikasyon sa mabuting pamamahala, umangat ang Lalawigan ng Bulacan sa ikawalong pwesto bilang isa sa Most Competitive Province sa 2023 Philippine Competitiveness Ranking na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isinagawang 10th Cities and Municipalities Competitive Summit sa Philippine […]
-
DEV PATEL IS “NOT ONLY A GIFTED ACTOR, BUT ALSO ONE HELL OF A MARTIAL ARTIST,” SAYS “MONKEY MAN” FIGHT COORDINATOR
DEV Patel got into impeccable shape and trained rigorously for his passion project, the action thriller “Monkey Man,” which the Oscar® nominated actor (“Lion,” ”Slumdog Millionaire”) also wrote and stars in. “Dev is one of the hardest working filmmakers I ever worked with,” says fight coordinator Brahim Chab (“The Foreigner”). “He would come to […]
-
Pinoy boxer Melvin Jerusalem matagumpay na nadepensahan ang WBC belt
PINATIKIM ni Pinoy boxer Melvin Jerusalem ang unang talo sa Mexican challenger Luis Angel Castillo para mapanatili nito ang kaniyang WBC minimumweight title belt na ginanap sa lungsod ng Mandaluyong. Nakuha ng 30-anyos na boksingero mula sa Bukidnon ang unanimous decision sa score na 118-109, 120-107 at 120-107. Sa unang round ay inulan […]