• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ravena 3 buwang pahinga

IPINAHAYAG  ng San-En Neophoenix kamakalawa na tatlong buwang magpapahinga si Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III makaraan ang fractured right finger operation sa  Chunichi Hospital sa Narita, Japan.

 

Pinapagaling  na ngayon ni Japan’s B.League 2020-21 Asian import  Ravena III ng San-En Neophoenix ang inoperahang kanang kamay nitong Huwebes.

 

“Happy to announce that my operation was a success! Thank you to the wonderful team of Dr. Nakao at Chunichi Hospital and my @neophoenix_official family. Be back soon,” wika ng 24-anyos, 6-2 ang taas na shooting guard sa kanyang Instagram post.

 

Kaya hindi na siya makakapag-All-Star Game bilang kasapi ng B. WEhite Team at makakasali sa Slam Dunk Competition ng B. League All Star Weekend sa darating na Enero 15-16.

 

Nakuha ng 24-anyos, 6-2 ang taas at Ilonggo shooting guard ang injury buhat sa looseball recovery sa third quarter game sa 2020-21 Japan B.League sa nakaraang magdadalawang linggo na ang nakararaan sa laro ng kanyang team sa 81-80 talo kontra Shibuya Sun Rockets.

 

Malaking kawalan ito sa San-En lalo’t may may 5-22 win-loss record pa lang at aabuting pagkatengga ng Pinoy baller sa 24 games hanggang Abril.

 

Ang disgrasya’y nagpaliban din sa basketbolista na makasali sa all-star game at slam dunk competition ng liga sa darating sanang Enero 15-16. Pero tuluyan na ring kinansela ang okasyon dahil sa pagtaas ng Covid-19 sa Land of the Rising Sun. (REC)

Other News
  • Kabilang sa nag-congratulate ang estranged husband na si Pancho: MAX, ni-reveal na makakasama si CHRISTIAN KANE sa season 2 ng ‘Amazing Paradise’

    NANG huli naming makausap ang Kapuso actress na si Max Collins, nabanggit na niya na may kina-e-excite siyang project, pero confidential pa kaya hindi pa niya ma-reveal.     So, obviously, ito pala ang ‘Amazing Paradise’ season 2 na napapanood sa Amazon Prime. Natapos ang season 1 nito noong May 2021 and since then, may […]

  • CARMELA LORZANO, itinanghal na bagong Sing Galing Year 2 ‘Ultimate Bida-Oke Star’

    MATINDING paSINGlaban ang naganap sa katatapos lang na Sing Galing Year 2 ‘The Kantastic Finale’ noong Disyembre 10 kung saan itinanghal bilang bagong Ultimate Bida-Oke Star ang Echan-teen Diva ng Batangas na si Carmela Lorzano.     Isang pangmalakasang performance ng “You’re My World” ang ipinamalas ni Carmela sa unang round, pagkatapos ay nagtapat naman […]

  • Pinatigil ang project na ipo-produce at idi-direk: CHANNING TATUM, na-depress nang ‘di natuloy ang pagbibidahang Marvel film na ‘Gambit’

    NAGPAPASALAMAT ang Prima Donnas star na si Sofia Pablo sa kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay dahil naging acting coach niya ito sa ginawa nilang music video na “Everybody Hurts” na inawit nila Julie Anne San Jose at Christian Bautista.     For the first time daw ay naging serious sila ni Allen sa paggawa […]