• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jeremy Lin pipirma sa Warriors G League team para sa NBA comeback bid

Nakatakdang pumirma sa isang deal ang dating NBA player na si Jeremy Lin sa Golden State Warriors G League team na Santa Cruz Warriors.

 

Gagawin ang 2021 G League season sa Disney World bubble sa Orlando, kung saan ang opening ay inasahan sa unang bahagi ng February.

 

Magtatapos ang playoffs nito sa buwan ng Marso kung saan 18 franchises lamang ang ipinadala ng mga NBA teams.

 

Sinasabing ang hakbang ni Lin ay bilang pagtatangka na muling makabalik sa NBA.

 

Huling naglaro si Lin sa NBA ay noon pang 2019 at bahagi siya ng nagkampeon na Raptors pero bibihira lamang siya ipasok para maglaro.

 

Matapos nito ay hindi na na-renew ang kanyang kontrata kaya napunta siya sa China at naglaro sa Beijing Ducks.

 

Kung ipapaalala sumikat ng husto si Lin noong bahagi pa siya ng Knicks pero nagpabago sa kanyang career ang naranasang injury noong 2017.

Other News
  • Casimero haharapin si Rigondeaux sa Agosto

    Itinakda na sa Agosto 14 ang laban ni John Riel Casimero kay Cuban veteran challenger Guillermo Rigondeaux.     Gaganapin ito sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.     Nangyari ang desisyon matapos na umatras si Casimero sa laban niya kay Nonito Donaire dahil sa isyu ng Voluntary Anti-Doping Agency (VADA) sa panig […]

  • PNP sa publiko: Pagdiriwang ng Pasko, limitahan lang sa ‘family bubble’

    Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na limitahan lang sa tinatawag na family bubble ang pagdiriwang ng Pasko.     Ito’y sa gitna na rin ng pangamba na muling sumipa ang mga kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) dahil sa mga pagtitipon habang papalapit na ang Pasko.     Ayon kay PNP Chief […]

  • Alert level 3 sa NCR mananatili kung mababa sa 70% ang healthcare utilization

    IREREKOMENDA ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force ang pagpapanatili sa Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR) kung patuloy na mas mababa sa 70 porsyento ang healthcare utilization rate ng rehiyon sa pagtatapos ng linggo.     Ito ang kundisyon ni Health Secretary Francisco Duque III sa magiging rekomendasyon niya sa […]